CHAPTER THREE

11.6K 310 22
                                    

CHAPTER THREE

“SIR, sure kayo na kaya niyo na?” tanong ng nurse kay Brey. Tumango siya.

Nakaupo siya sa wheelchair dahil kumikirot pa ang paa niya. Ayaw naman niyang gumamit ng saklay dahil baka lalo lang matagalan ang paggaling ng paa niya.

“Diyan lang naman ako sa ward pupunta,” aniya. Boring naman kasi sa private room niya- wala siyang kausap. At least doon sa ward, makakausap niya ang mga tao niya at ang ibang sundalong naka-confine.

“Ihatid ko na kayo sir.” Itinulak ng nurse ang wheelchair niya. Hindi na nagprotesta ang binata.

“Bakit may mga balloons at magandang decoration sa hallway?” tanong niya nang makita ang kakaibang ayos ng Heroes' Wing. Kahapon lang kasi nang inilabas din siya ay nakita niyang wala namang kakaibang ayos sa parteng iyun ng ospital. “May magbi-birthday ba?”

“Ay wala po!” natatawang sagot ng nurse. “Darating po kasi ang isang organization na gustong makatulong sa mga sundalong nasugatan. Baka may artista pa daw po e,”

“Sinong artista?” Na-curious si Brey kahit hindi naman talaga siya pamilyar kung sino ang mga sikat na artista ngayon. Nasa may pinto na sila ng ward.

“Yung taga-teleserye daw, na military ang bidang lalake. Yung ibang cast yata ang isasama.”

Nagkibit-balikat lang si Brey. Naisip niyang mabuti nga rin nang matuwa naman ang mga sundalo.

“Sir! Okay ka na?” bati ng kanyang sarhento nang makita siya. Nakahiga pa ito sa kama, pero nakangiti.

“Okay naman. Eto, sana lumakas na agad. Ano, kumusta kayo dito?” Napatingin si Brey sa ilang sundalong naroroon.

Malaki ang kuwarto, may anim na kama- lahat ng iyun ay okupado ng mga sundalong 'WIA' ang tawag or 'wounded in action.'

“Okay naman sir. Nakakainip lang,” sagot ng isang sundalong di kilala ni Brey. Tiningnan niya ang nakalagay sa may kama nito- isa pala itong sarhento ng Army. Tantiya ng binata ay nasa late 30s or early 40s ito.

“Matagal ka na ba dito?” tanong ni Brey.

“Dalawang buwan na sir. Tini-therapy pa yung paa ko. Gusto ko na ngang bumalik sa Mindanao e.”

“Di ka pa nadadala ha?” biro ng binata sa sarhento.

“No sir! Lalaban pa ito, para sa bayan!”

Nagtawanan ang iba pang sundalong naroroon. Pati si Brey ay nakaramdam ng tuwa dahil kahit pare-pareho silang nasa ospital ng mga oras na iyun, ang sinumpaang tungkulin pa rin ang nasa isip ng mga kapwa sundalo niya.

Magsasalita pa sana ang isa pang nakaratay roon nang biglang pumasok ang isang nurse.

The Cavaliers: BREYWhere stories live. Discover now