CHAPTER FOUR

11.7K 282 9
                                    

CHAPTER FOUR

SI DOLLY Anne ang unang crush ni Brey. Highschool siya nang ma-in love sa babae na nakilala sa isang religious youth camp. He was only fifteen while Dolly Anne was sixteen at pareho silang members ng Youth For Christ. Niligawan niya ang babae at sinagot naman siya nito. Pero two months palang sila ay nagpaalam na ito sa kanya dahil na-approved na pala ang petition ng pamilya nito sa US. Umalis si Dolly Anne kasama ang buong pamilya nito at naiwan si Brey with a broken heart.

Ang pangalawang babaeng niligawan niya ay si Olive. Kaklase niya ang babae sa isang subject noong college, bago siya pumasok sa PMA. Galing sa isang all-girls high school si Olive at kahawig ni Dawn Zulueta. Niligawan niya ang babae pero binasted siya nito. Hindi maintindihan ni Brey kung ano ang ayaw sa kanya ni Olive. Later on ay nalaman niyang tomboy pala ito at babae rin ang gusto kaya't nadismaya siya.

Nagkaroon siya ng girlfriend habang nasa PMA. Taga-Tarlac si Diana na nag-aral sa Baguio City. Nagkakilala sila during the Flower Festival noong pangalawang taon ni Brey bilang kadete. Mag-aanim na buwan na sila nang bigla na lamang nawala si Diana. Nalaman niyang sumama na pala ito sa foreigner na ka-chat. After that ay hindi na muling nagkaroon ng girlfriend si Brey. Ibinuhos na lamang niya ang kanyang atensyon, oras at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.

Ngayon lang siya uli nagka-interes sa isang babae, artista pa!

“Sige na Janette, tulungan mo naman ako.”

“Oo na nga po! Kayo pa, e ang lakas niyo sa akin.” natatawang wika ng nurse habang kinukunan siya ng blood pressure. “Pero mamayang hapon pa ang off ko sir.”

“Okay lang. Mai-place mo lang ang order at mabayaran ang flower shop, siguradong bukas ay madi-deliver na nila yun.”

Nagbigay siya ng one thousand pesos kay Janette para ang babae na ang magpunta sa flower shop. Gusto niya kasing magpadala ng bulaklak sa network para kay Ava. Nahihiya naman siyang makisuyo sa mga kapatid, tiyak na kakantiyawan lang siya.

“Hala si sir, in love na kay Miss Ava!” tukso sa kanya ni Janette.

“Ang ganda niya no?”

“Siyempre sir, artista e. Ang kinis ng kutis, parang gatas. Nakakainggit nga e!” Binigyan siya ng babae ng ilang tablet ng gamot. “Pero maganda din yung kasama niya.”

“Sino?” Ininom ni Brey ang mga ibinigay sa kanya.

“Yung manager ba niya yun. Yung kasama niya, yung kinausap niyo pagkatapos ng program.”

“Ahhh. Si…. Maggie ba yun? Or Marie.” Naisip ng binata ang babae. “I mean si Madie.”

“Madie pala ang pangalan niya. Maganda yun e, wala lang make-up saka hindi naka-porma katulad ni Ava. Pero I’m sure kapag nag-ayos yun, puwedeng artista.”

“Puwede ka palang talent scout,” biro niya kay Janette.

The Cavaliers: BREYWhere stories live. Discover now