CHAPTER SIX

8.2K 250 4
                                    

CHAPTER SIX

NAGULAT si Brey nang makita si Madie. Hindi niya inaasahan na dadalawin siya nito!

“Pasensya ka na kung naistorbo ko ang pagpapahinga mo ha.”

“No, hindi. Nabo-bored na nga ako dito. Upo ka muna.” Naisip ni Brey na mabuti na lang at bagong paligo siya- nakapagshave na din. Hindi na siya mukhang sakitin.

“You look better. I mean, mukhang mas nakapagpahinga ka na.”

“Oo. Magaling na ang sugat ko. Therapy nalang.”

“Ano ba ang nangyari sayo? Sorry ha, hindi ko kasi alam.”

“Na-ambush kami sa Basilan.” Nakita ni Brey na bahagyang nanlaki ang mata ni Madie sa narinig kaya hindi na siya nag-elaborate. “Okay na naman kami.”

“Marami kayong nasugatan?”

“Tatlo kaming may tama.”

“Buti hindi kayo namatay. E yung mga kalaban niyo?”

Natigilan si Brey. Sasabihin ba niya? Baka magmukha naman siyang mayabang. O di kaya ay baka matakot pa ang babae sa kanya.

“Okay lang kung hindi mo sasabihin. Sorry ha, na-curious lang kasi ako.”

“Wala yun.”

“Eto nga pala, pocketbooks. Para may mabasa ka dito.” Iniabot nito ang maliit na paper bag.

Days of Drums by Philip Shelby? Magaling ba siya?” tanong ni Brey habang tinitingnan ang libro. May isa pang kasama yun, The Cassandra Compact. “Ikaw ba ang pumili ng mga ito?” Tumango ang babae.

“Baka kasi magalit ka kapag Harry Potter ang ibinigay ko sayo.” Nakangiti si Madie. May bigla tuloy pumasok sa isip ni Brey. Cute pala ang road manager ni Ava!

“Mukhang maganda ang mga stories. Teaser palang nakakaintriga na,” wika ni Brey. “Salamat ha. Nag-abala ka pa.”

“Hindi, okay lang. Si Ava naman nagbigay ng pambili niyan. Saka yung mga prutas na pinabigay niya sa mga sundalo sa kabilang kuwarto.”

“Mabait pala si Ava. Pakisabi salamat.” Nakasilip ng pag-asa si Brey. “Sa tingin mo, kapag nakalabas na ako ditto sa ospital at niyaya ko siya ng dinner e papayag siya?”

“Ha?” halatang nagulat si Madie sa tanong niya. Hindi agad ito nakasagot.

“Ang sabi ko, sa tingin mo puwede ko kaya siyang ma-invite na lumabas? Friendly dinner lang?”

“E-ewan ko. Ikaw nalang ang mag-invite sa kanya.”

“Paano ko siya maimbitahan ng personal e hindi ko nga siya makausap sa cellphone? Wala naman akong direct number niya.”

“Pasensya ka na. Alam mo namang bawal ibigay ang personal number niya.”

“Kaya nga ikaw na lang magtanong. Kung puwede lang, madam.”

“Sige, sasabihin ko.”

Nang makaalis si Madie ay agad na binasa ni Brey ang Days of Drums. He was instantly hooked.

The Cavaliers: BREYWhere stories live. Discover now