CHAPTER SEVEN

9.8K 261 9
                                    

CHAPTER SEVEN

GUSTONG magsisi ni Madie na pumunta pa siya sa V Luna Hospital. Paano niya sasabihin kay Ava na gusto ni Brey na imbitahan itong magdinner! Hindi pa man niya nasasabi sa babae, alam na niyang tatanggi si Ava. Or worse, pagtatawanan nito ang invitation.

Kung sabagay, sa dami ba naman ng admirers niya at manliligaw. Araw-araw ay may dumarating na bulaklak sa condo ni Ava. Minsan mga chocolates at prutas. Galing iyun sa mga ‘approved’ suitors ni Ava- mga nakilala nitong businessmen at mga pulitiko. Ang iba ay galing din sa mga kapwa-artista. Kahit hindi niya isatinig, alam ni Madie na malabong magkagusto si Ava kay Brey kaya lalo siyang naawa sa lalake.

At yun ang hindi niya maintindihan. Bakit siya nakikisimpatiya kay Brey?

Kasi mukhang mabait at marangal. Naisip niyang siguro ay may nakita siya sa lalake na kakaiba. May character kasi. May self-confidence pa rin kahit nasugatan.

Natigilan si Madie. Bakit kung ipagtanggol niya si Brey ay parang gusto na niya ito?

Juice kuh pineapple! Mahabag Ka sa akin, Lord! Siya man ay kinilabutan sa naisip!

HINDI makapaniwala si Brey nang sabihin ni Doctor Ismael na puwede na siyang i-discharge from the hospital. Ang kailangan lang daw niya ay ipagpatuloy ang therapy sa bahay para bumalik sa normal ang galaw ng kamay niya.

“Huwag mo ring bibiglain ang paa mo. Baka tumakbo ka kaagad or bumalik sa giyera.”

“Bawal pa akong mag-jogging, doc?”

“Mag-walking ka lang muna ng mga two weeks.”

Hindi na tumawag si Brey sa bahay nila para magpasundo. He just took a cab pauwi sa kanila, kaya ganun na lamang ang gulat ni Elizabeth nang makita siya.

“Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka na pala? Nagpaluto pa ako ng pagkain na dadalhin sayo sa ospital!”

“Okay lang yun ma, kainin natin dito.”

“E kung nakaalis na pala ako dito, e di nagkasalisi pa tayo at nagmukha akong tanga sa ospital. Dadalaw sa anak na wala na pala dun!”

Nilapitan ni Brey ang ina at niyakap.

“Ma, okay naman ako. Nakauwi naman ako. Huwag na kayong magreact ng husto. Sige na, nagugutom na ako e.”

Lumambot naman agad si Elizabeth. Agad nitong tinawag ang maid nila at nagpahanda ng pagkain sa mesa.

“May trip sa China ang papa mo next week. Sumama ka kaya sa amin para makapamasyal ka naman at makapagrelax?”

“Kayo nalang ma. May mga aasikasuhin ho ako e.”

The Cavaliers: BREYWhere stories live. Discover now