CHAPTER EIGHT

9.3K 260 11
                                    

 CHAPTER EIGHT

“ARE you sure na kaya mo na? Baka mabinat ka.” Nasa mukha ni Elizabeth ang pagdududa at pag-aalala. Napatigil pa ito sa pagkain ng toasted bread.

They were having breakfast. Nakaalis na ang dalawa niyang kapatid

“Ma, three weeks na akong nagpapahinga dito sa bahay at nakapag-therapy na din ako. I’m good as new,” sagot ni Brey.

“Good as new? Ano ka, kasangkapan? Yan ba ang tingin sa inyo sa military? A piece of…. of furniture?!”

Gustong matawa ng binata. Trust his mother to be dramatic at seven in the morning.

“Nakapag-mall na nga kami ni Cheryl noong weekend.”

Mabuti nalang at pinagbigyan niya ang pinsan niya noong linggo. Laking Australia si Cheryl, anak ng kapatid ng mama niya. Kahit sa Pilipinas na nag-college ay may pagka-liberated pa rin ang babae in so many ways. Mahilig ding maglakwatsa. Nang yayain siya nito na mag-mall ay tatanggihan pa sana niya, kaso wala din naman siyang gagawin kaya sinamahan na niya. Mabuti na lang, at least nagkita sila ni Madie. At ni Ava.

“Angelo, ang anak mo, magre-report na daw sa trabaho!” narinig ni Brey na sumbong ng mama niya sa papa niya.

“Sa Mindanao?” Kakapasok pa lang ng congressman sa komedor at bigla itong napatingin sa bunsong anak nang marinig ang sinabi ng esposa. “Babalik ka sa Mindanao?”

“Sa Fort Bonifacio po ako pupunta, sa headquarters ng Philippine Marines. Doon daw muna ako pansamantala.”

“And then kapag nalingat tayo, ibabalik na naman siya doon sa battlefield!” Kulang na lang ay tumili ang mama niya.

“Ipapatawag ko sa kongreso ang mga yan kapag nagkamali!”

“Papa!”

“Hindi ako nagbibiro, Isaac. Ilang beses ko nang sinabi sayo, mas gugustuhin kong magkaroon ng anak na duwag kesa anak na patay.”

Hindi na kumibo ang binata. Alam kasi niyang may kapatid ang papa niya na nagsundalo din noong mga bata pa sila. Hindi na nakauwi ng buhay ang kanyang tiyuhin at dinamdam iyun ng husto ng kanyang lolo at lola. Nalaman lamang niya ang naturang kuwento nang maka-graduate na siya sa PMA at bago umalis papuntang Mindanao. Bilin kasi ng papa niya, kahit anong mangyari ay umuwi siya ng buhay. Dahil baka umano mauna pa ito sa hukay kapag nawala siya.

Hinihintay muna ni Brey na makaalis ang mga magulang niya bago siya umalis din papuntang Fort Bonifacio. Hindi na siya nagpahatid sa isang driver nila, tutal meron naman siyang Honda Accord na magagamit- ang sasakyang ini-regalo sa kanya ng papa niya nang maka-graduate sa PMA. Nagagamit lang niya ang naturang sasakyan kapag nasa Maynila.

“BOK!” Si Clyde ang una niyang nakita pagbaba ng sasakyan. Mistah niya ang lalake, nasa Marines din. Ilang beses din itong dumalaw sa kanya sa ospital. “Welcome back!”

The Cavaliers: BREYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin