CHAPTER FIVE

10.8K 272 9
                                    

CHAPTER FIVE

NAIINIP na si Brey. Hindi siya sanay na walang ginagawa- na lagi lang nakahiga. Oo nga at may TV naman. May mga magazines din at hindi naman siya nawawalan ng bisita sa ospital pero di na niya kayang tumagal pa roon. It’s been more than two weeks since he was brought to V Luna Hospital, pero pakiramdam niya ay tatlong taon na siya roon. Memorize na niya ang bawat sulok ng kanyang ginagamit na kuwarto at lahat ng nurse doon ay kilala na niya. Kaya naman hindi na siya nakatiis nang araw na iyun.

“Nurse, pakisabi kay Doctor Ismael na kailangan ko siyang makausap ha?” Katatapos lang linisin ng nurse ang sugat niya. Magaling na iyun actually, pero regular pa rin iyung pinapalitan ng bandage.

“Sige sir, parating na rin naman iyun mayamaya.”

Nang makalabas ang nurse ay binuksan ni Brey ang TV. Dati ay 14 inches na TV lamang ang naroroon sa kuwarto niya, pero pinalitan iyun ng mama niya. Pinadalhan siya ng 29-inches na TV at may kasama pang DVD. Noong una ay nagprotesta siya pero mapilit ang mama niya- it’s either tanggapin niya iyun or siya ang ililipat ng ospital. In the end, napagkasunduan nila ng ina na ido-donate nalang sa ospital ang TV at DVD kapag lumabas na siya.

“Para may magamit ang mga sundalong naka-confine,” rason niya sa mama niya nang sabihin niyang ibibigay niya sa V Luna ang TV kapag gumaling. Hindi naman kumontra si Elizabeth.

May limang minute nang nagcha-channel surfing ang binata pero walang palabas sa TV. Naisipan na lamang ni Brey na manood ng DVD. Simula nang pumasok siya sa military ay madalang na siyang nakakapanood ng pelikula. Sa bundok naman kasi halos ang assignment niya. Wala din naman siyang panahon para manood ng DVD sa kampo dahil sa dami ng trabaho. Kaya marami siyang pelikulang na-miss. Nang tingnan ng binata ang mga naroroong discs ay napansin niyang wala man lang action or suspense. Puro love story yata ang pinadala sa kanya ng mama niya. Naisip niyang magbilin kina Jacob at Matthew ng mga pelikula ng paborito niyang mga action stars. May nakita siyang pelikula na si Julia Roberts ang bida- kaya agad na isinalang iyun ng binata.

Wala pang fifteen minutes ay tawa na ng tawa si Brey sa pinapanood- hindi dahil comedy yun. It was like the story of his life! Kanina lang ay iniisip niya si Ava na isang artista- tapos eto ngayon ay nanonood siya ng isang pelikula kung saan ang lalake ay may gusto sa isang sikat na artista.

Niloloko ba ako nito? But he was hooked- he couldn’t stop watching. Hindi tuloy niya namalayan ang pagdating ng dalawang bisita.

“Mukhang busy ka bok ah!” Nagulat si Brey nang may biglang magsalita sa may pinto. Pagtingin niya ay nakatayo si Spike doon, ang kanyang mistah na scout ranger, kasama si Drew na isang piloto.

Dali-daling inilagay ni Brey sa pause ang pinapanood. Matagal na niyang hindi nakikita ang dalawa dahil sa Bulacan naglalagi si Spike, samantalang nasa Presidential Security Group naman si Drew. Malapit siya sa dalawa dahil pare-pareho silang taga-Charlie Company noong nasa PMA pa. Ibig sabihin, magkakalapit ang mga kuwarto nila at lagi silang magkakasama noong mga kadete pa. Nagkahiwa-hiwalay lamang sila after graduation at hindi na madalas magkita.

“Bok!” agad inilahad ni Brey ang kamay- tinanggap naman iyun nina Spike at Drew. May dala pang mga pagkain ang dalawa. “Buti nadalaw kayo.”

The Cavaliers: BREYМесто, где живут истории. Откройте их для себя