CHAPTER NINE

8.7K 284 17
                                    

CHAPTER NINE

HINDI namalayan ni Brey ang mga araw. Before he knew it, nasa harap na siya ng bahay nina Madie. Sinusundo niya ito para sa party nila sa Fort Bonifacio.

Ayaw pa sana ng babae na magpasundo. Ang gusto nito ay magta-taxi na lamang papuntang Fort Bonifacio dahil sanay naman umano siya pero hindi pumayag ang binata. Kinuha niya ang home address ni Madie para personal niya itong masundo. And he was glad he did, dahil nakilala niya ang pamilya ng babae. Simple lamang ang mga magulang ni Madie pero nakita ni Brey na marangal ang mga iyun. Pati ang dalawang kapatid ng babae ay nakilala din niya. Halos limang minuto lamang siya sa tahanan nina Madie but it was enough to conclude that the woman has a decent background.

“You look good.” Isang simpleng black dress na hanggang tuhod ang suot ni Madie. Nakalugay lang din ang buhok nito at may kaunting make-up.

“Salamat.” Inalalayan niya ang babae na makasakay sa kotse. Pareho silang natahimik.

Ang binata na ang unang bumasag sa katahimikan- kanina pa kasi sila walang kibo sa isa’t isa. Nasa kahabaan na sila ng C5. “Mahal na mahal ka ng pamilya mo,” hindi niya napigilang komento while they were on their way to Taguig.

“Mahal ko din naman sila,” narinig niyang sagot ni Madie. “Sila ang inspirasyon ko.”

“That’s good. At least close ka sa pamilya mo.”

“Ikaw, di ka ba close sa family mo?”

“Close naman.” Naisip ni Brey ang mga magulang at mga kapatid.

“Bakit parang napipilitan ka lang na sabihing close kayo?”

“Hindi kasi kami katulad ng pamilya mo na laging magkakasama.”

“Hiwalay ang parents mo?” Agad ding nagpa-sorry si Madie sa tinanong. Natawa naman si Brey.

“No. Hindi ako product ng broken family. It’s just that, lagi kasing busy ang parents ko. Ang mga kapatid ko naman, may mga sariling career at ako, pumasok sa military so nagkakasama lang talaga kami kapag mahahalagang okasyon, like Christmas, New Year, kapag may birthday.”

“Ahhh.. modern family pala kayo. Negosyante ang parents mo?”

“Pulitiko ang father ko.” He decided to tell her the truth. “Dati siyang mayor, tapos ngayon ay congressman. Lagi niyang kasama ang mother ko.”

“Talaga? Big time ka pala.” Hindi sigurado si Brey kung may halong sarcasm ang pagkakasabi ni Madie kaya nilingon niya ang babae. “Hindi kasi halata.”

“May branding ba pag anak ng pulitiko?” Na-curious tuloy ang binate. “Kailangan mahalata agad?”

“Well, sa school kasi, may mga naging classmates ako na mga anak din ng pulitiko. Some of them were really arrogant and self-centered. Laging may bodyguards, siga kung kumilos.”

“Hindi naman ako ganun!”

“Mabuti nga e.”

“Saang school ka ba nag-aral?”

“Sa UP Diliman. Hindi pa ako graduate, may one year pa ako. Naka-leave lang ako now para magtrabaho at mag-ipon. Nakita mo naman, may sakit ang tatay ko.”

Tumango lang si Brey. The more he gets to know Madie, the more na humahanga siya sa babae. Di nagtagal ay narating nila ang Fort Bonifacio. Sa Navy Club ginawa ang party. Pagpasok nila ay agad silang sinalubong ni Clyde- nakangisi ito kaya pasimple niyang pinandilatan ang lalake. Ipinakilala muna niya ang dalawa bago naghanap ng puwesto sa loob ng party area.

Nang makaupo sila ay agad niyang ikinuha ng pagkain si Madie. Isang sikat na show band ang tumutugtog sa stage kaya masaya ang paligid. Natuwa siya nang mapansin na tila nag-e-enjoy naman si Madie. Maya’t maya ay tinatanong niya ito may gusto pang kainin or kung okay lang. Naki-join kasi sa table nila sina Clyde at Hookie- opisyal din ng Marines pero mas bata sa kanila ng isang taon.

“Labas daw tayo sabi ni Junie. Nagtext sa akin,” wika ni Clyde nang mag-CR si Madie. “Daanan daw natin siya sa Villamor.”

“Me kasama ako e.”

“Pag naihatid mo na bok. Balik ka kaagad. Ngayon lang puwede si Junie e. Lilipad daw siya ng Mactan bukas e.” Member ng Philippine Air Force ang mistah nilang si Junie at sa Cebu talaga naka-assign. Nagkataong nasa Maynila ang lalake ng weekend na iyun.

“Sige, text-text tayo mamaya,” sagot ni Brey.

After an hour ay niyaya na niya si Madie. Tahimik namang sumunod sa kanya ang babae. Nasa bandang Julia Vargas Avenue na sila malapit sa Megamall nang maisipan niyang tanungin si Madie kung gusto nitong mag-kape. Hindi naman tumanggi ang babae kaya pumasok sila sa Ortigas area kung saan maraming bukas na establishments dahil sa nakapaligid na mga call centers doon. Sa Pearl Plaza sa harap ng University of Asia and the Pacific ay may Starbucks na bukas 24-hours kaya doon sila bumaba.

Masayang kausap si Madie kaya hindi na namalayan ni Brey ang oras. Nakalimutan na rin niyang itext si Clyde at base sa apat na missed calls nito, hinahanap siya ng mistah. Pero naisip ng binata na maiintindihan naman siya ni Clyde kaya hindi na siya bumalik sa Fort Bonifacio. Sa halip ay inihatid niya si Madie sa bahay nito. It was almost two in the morning.

“Hindi ba sila magagalit?” Kahit papano ay nakaramdam ng guilt si Brey dahil madaling araw na.

“Nagpaalam naman ako. Saka alam naman nilang minsan lang ako kung lumabas. Lagi akong nagtatrabaho.” Hindi na siya hinintay ni Madie, kusa itong bumaba sa kotse niya.

“Yung mga dati mo bang boyfriends ganitong oras ka din kung ihatid?” Hindi alam ni Brey kung bakit yun ang naitanong niya.

“Hindi,” narinig niyang sagot ni Madie. “Wala pa akong naging boyfriend e.”

Shocked si Brey! Hindi siya makapaniwala na hindi pa nagkaka-boyfriend ang babae. Meron pa palang ganun?

“Hindi ka pa nagkaka-boyfriend? Ever?” He wanted to know. “Bakit?”

“Ewan ko.” Nagkibit-balikat lamang si Madie, tila hindi ito affected. Nasa may gate na ito at akmang papasok nang bigla niyang hawakan sa braso ang babae.

Without even thinking, he kissed her- right there and then.

The Cavaliers: BREYWhere stories live. Discover now