Chapter 25 (Part 2)

178K 2.5K 590
                                    

~Narrator’s POV~

*sa bahay nila Sofie*

Sikretong tinitignan ni Sofie ang phone nya habang nanunuod ng Insidious.

‘Kainis! Hindi man lang ako tinawagan o tinext man lang. May atraso sya sakin ah! Iniwan-iwan ako sa school tapos hindi man lang mag-sorry. >__<’ iniisip ni Sofie

Nanuod na lang sya at initinding wag na lang pansinin ang phone.

*Sa labas ng bahay*

Inaayos na nila Ivan, Qim at Tracy yung mike at speaker with matching light effects at petals pa. Si Kevin naman ay busy’ing-busy’ing tinuturuan si Royce mag-gitara kahit ilang beses na nilang pinaraktisan ‘to.

At dahil gusot nina Tracy ang 1D ay Little Things ang kakantahin ni Royce para kay Sofie.

“Ready na?” sabi ni Qim nang makita nang maayos na ang lahat

Tumango-tango yung 3 para sabihning Oo.

*Sa bahay ulit nila Sofie*

Nasa part na sila nung naglipat na sina Josh ng bahay. Dun sa hinahabol ni Renai (asawa ni Josh) ang bata.

‘Haayy! Jusko! Sino naman kaya yung batang yun? Saan nang-galing yun?’ Isip ni Sofie

Nasa part na sila nung hinahanap ni Renai yung batang multo hanngang mapunta sila sa kwarto ni Dalton (anak nila). May nakita si Renai na sapatos ng bata at unting-unting lumapit.

Habang si Sofie ay nakatakip ang mukha gamit ang kama pero sumisilip sa pagitan ng daliri.

“Waaaah!” nagulat si Sofie nang maramdaman nyang nagvibrate ang phone nya..

“What’s that Sofie?” tanong ng Mom nya

“Ate naman e! Nagulat ako sa sigaw mo hindi sa bata!” sigaw ni Nathan na halatang nagulat sa sigaw ni Sofie.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon