Chapter 70

75.9K 1.4K 200
                                    

“Are you okay?” tanong ni Cielo sa akin, umupo sya sa tabi ko

 

“Yea.” Sabi ko habang hinihimas-himas yung sugat ko sa paa

“Shayne!” napatingin kami ni Cielo kay Jake na may dalang band-aid, lumuhod sya at tinanggal ang heels ko at dinikit ang band-aid sa may sugat ko.

 

“Cinderella eh?” Cielo smirk, umiling si Jake

 

 

“Maybe she’s Cinderella but I’m not the prince.” Sabi nya tapos tumayo na

 

“It’s fine now, balik lang ako dun ah?” sabi nya tapos umalis na

 

“Anong problema nun?” tanong sa akin ni Cielo, nag-kibit balikat na lang ako.

 

“Ewan ko, baka nabusted sya sa nililigawan nya.” Sabi ko, wala kasi akong ideya kung bakit ang lungkot lungkot nya

 

“Siguro nga.” Sabi nya tapos tumango-tango

Ininom ko yung tequila na dala ni Cielo at sumandal sa couch.

Badtrip naman. Nung nakita ko sila, bigla silang umalis, susundan ko sana kaso biglang sumakit yung sugat sa paa ko tatanggalin ko sana yung heels ko at mag-paa na lang kaso wala na sila tapos si Jake naman ngayon na ang cold ng treatment sakin at lastly ang mga kaibigan mo na Hindi mo na alam kung nasaan sila

 

“Bess, kuha lang ako ng nachos.” Sabi nya, tumango naman ako at umalis na sya

Ako lang mag-isa dito sa couch, ang sabi nina Sofie pupunta na lang daw sila dito kapag tapos na sila sa pag-sasayaw sa dancefloor at hopefully ay bumalik na sila daw bored na bored na ako dito.

Bumugtong hininga ako at ininom ang tequila. Tinignan ko yung mga tao sa paligid, ang w’wild nila may mga taong nandito na Hindi invited siguro mutual friends sila ni Unnie at Kuya Kristof kaya nakalagpas sila sa mga guards at butlers.

Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko, natamaan na ata ako ng tequila ah?

May tumabi sa tabi ko, si Bess Sofie siguro.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon