Chapter 54

89.5K 1.5K 597
                                    

 

~Narrator’s POV~

 

 

 

‘Nagugutom ulit ako.’ Gustong sabihin ni Shayne yun kaso baka sabihin ng mga kasama nya na ganoon sya kagutom dahil humingi-hingi sya ng carbonara sa kanila at isa pa nakakatamad rin umakyat-taas dahil rooftop ang tambayan nila ngayon.

 

“Buti na lang at nadala ko ‘tong choco bar na ‘to.” Sabi ni Qim habang binubuksan yung Snickers. Hihingi sana sya kaso biglang nag-salita si Qim.

 

“Oops! Walang hihingi! Bumili kayo sa baba kung gusto nyo.” Sabi ni Qim tapos kinalahati yung Snickers. Di na naka-tiis si Shayne sa pag-iingit sakanya ni Qim kaya tumayo sya at nag-paalam na baba ito para mag-cr. Hindi na sya nag-pasama dahil alam nyang tinatamad yung mga yung tumayo, at isa pa sarap na sarap sila sa pag-tingin sa mga ulap na iba’t-iba yung formation.

Dali-dali syang bumaba para agad makabili ng pagkain, ramdam na rampdan nya yung tiyan nya kahit katatapos nya lang kumain. Hindi nya alam sa sarili nya kung bakit sya ganoon kagutom.

 

‘Totoo ngang kapag depress ang isang babae, dinadaan na lang sa pagkain.’ Isip ni Shayne habang nag-mamadaling pumunta sa cafeteria.

Buti na lang at konti lang ang nakapila. Medyo malayo sya sa counter kaya pumili-pili sya ng makakain.

 

‘Bibili ako ng isang snickers para hindi ako mainggit kay Qim yung malaki, 3 chupa-chups para hanggang Geom. ko makakain, bibili rin ako ng burger para hindi bitin at lastly juice para hindi ako mabulunan.’ Nag-iisip pa sya kung ano pa yung idadagyan nya sa order nya ng biglang may naamoy syang pamilyar na pabango.

 

“Keith?” bulong ni Shayne, tinignan-tignan nya yung mga tao sa loob ng cafeteria. Habang nag-hahanap, hindi nya napansin na nasa likod lang si Keith na nakapila rin.

 

“Shayne.” Nagulat si Shayne nang malaman nyang nasa likod lang si Keith. Nakaramdam rin sya ng hiya dahil mukha syang timang kakahanap gayunman ay nasa likod lamang nya ang hinahanap nya.

Nanigas sya sa kinakatayuan nya, hindi nya alam ang sasabihin. Nang matauhan sya, inayos nya yung sarili nya at humarap sa pila nag-lakad sya ng mabilis dahil sya na pala ang susunod sa counter. Habang nasa harap ng cashier, pabulol-bulol at muntik na nyang makalimutan yung mga pagkaing gusto nya dahil nasa likod nya si Keith. She finds it very awkward.

Hawak-hawak nya yung tray, nag-lalakad na sya sa palabas ng cafeteria ng biglang may brasong humawak sakanya at hinila paharap sakanya. It’s Keith.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon