Chapter 49

102K 1.5K 120
                                    

~Jake’s POV~

 

“Hmmm…” sabi ni Shayne habang kinukusot yung mata nya.

“BESS!!!” sigaw ni Sofie at Tracy sa magkabilang tenga ni Shayne kaya napaupo bigla si Shayne

 

“Huh? Anong meron?! SUNOG? Tawagin nyo si BUTLER JUDE!!!” tarantang sigaw ni Shayne. Napatawa na lang kami sa reaction nya. Hahaha! Kung nakita nyo lang yung reaction nya! Hahaha.

 

“Hahaha. W-walang—HAHAHAHA!” sigaw ni Cielo habang nakahawak sa tyan nya. Hahaha! Lalo akong natatawa sa tawa ni Cielo

Tinignan ko yung peaction ni Shayne, nakakunot yung noo nya. Siguro alam na nyang walang sunog.

 

“Anong nakakatawa?” tanong ni Shayne. Hahaha! Sungit! May pataas pa ng kilay.

“Napicturan ko!” sigaw ni Qim habang nakatingin sa DSLR nya.

 

“Totoo?! Patingin!” sigaw ni Tracy tapos tumalon sa kama at lumapit sa amin. Tumingin na rin ako, gusto ko rin makita ulit yung mukha nyang EPIC! Hahaha!

“HAHAHA! Tignan mo ilong nya! Hahaha!” Cielo

 

 

“Haggard mo Bess! Hahaha!” Sofie

 

“Hoy ano yan! Idelete nyo yan!!!” sigaw ni Shayne habang papalapit sa amin.

 

“Ayaw! Nasave na ‘to sa laptop ko! Bleh!” :p

 

“Ehh? ISA!”

 

 

“Dalawa! Alam naming mag-bilang Bess! Maligo ka na lang, total nandito naman si Jake, ipasyal natin sya!” sabi ni Tracy.

Huh? Ako ipapasyal? Diba may pasok sila? 10 na ah…

 

“Thanks pero hindi ko na kailangang gumala dito, next time na lang. Tska may pasok pa ata kayo e.” sabi ko sakanila. Sa totoo lang, nahihiya ako kasi kaibigan ‘to nina Cielo at Shayne.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon