Chapter 74

89.8K 1.6K 122
                                    

Sa sobrang tagal ng byahe di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pag-gising ko, wala na yung kasama ko. Lumabas ako para hanapin sya.

Pag kalabas ko, agad tumambad sa akin ang sariwang hangin, naka park ang sasakyan ni Keith sa tabing dagat. Walang katao tao. Nagulat ako ng may nakita akong lalaking nakasandal sa likod ng kotse, akala ko kung sino sya lang pala.

 

“Keith!”  tawag ko sakanya, nakapatong ang kanang braso nya sa mukha nya at ang isa naman ay nakapamulsa. Sobrang hot nya sa posisyon nya, ngayon ko lang napansin. Lumaki ang biceps nya at halata sa loob ng damit nya na lumaki ang abs nya.

Di sya gumalaw sa posisyon nya, natutulog ba ‘to? Imposible. Di ka makakatulog sa ganyang posisyon. Nilapitan ko sya at tinanggal ang wayfarers nya at nakita kong nakapikit sya.

Nagulat ako ng bigla nyang minulat yung mga mata. Hala! Bigla akong nag-iwas ng tingin, nakita nya akong nakatitig sakanya at hawak-hawak ko ang wayfarers nya! Anong gagawin ko?!

 

“G-gumising ka nga dyan.” Sa sobrang taranta ko, nautal ako. God! Bakit ako nauutal?

Di sya nag-salita, nakatitig lang sya sakin. Titig na titig. Dalawang metro lang ang layo namin sa isa’t-isa. Sa sobrang tagal ng panahon eto na ata ang unang beses na ganito kami kalapit sa isa’t-isa.

 

“Tara na nga!” sigaw ko kasi naiilang ako, tumalikod ako at papasok n asana sa sasakyan ng bigla nya ako niyakap sa likuran

 

“Keith! Ano ba-“ lalo nyang hinigpitan ang pag-kakayakap nya sa akin

 

“Remember noong tayo pa? Lagi kitang ginaganito pag nag-aaway tayo.” Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko

Di ako nag-salita, iniisip ko yung mga panahon na kami pa at nag-aaway kami dahil kay Claire. Kapag mag-wowalk out na ko ay yayakapin nya ako patalikod at mag-eexlplain sya sa ganoong posisyon.

                                                     

“I miss you so damn much.”  Sabi nya habang inaamoy ang buhok ko

“I miss you, your hair, your voice and your smell.”

“Liar.” Sabi ko, hinarap nya ako sakanya atska niyakap

 

“Why don’t you believe me that I still love you? It will always be you. Ginawa ko yun para protektahan ka, protektahan ka sa kung pwedeng gawin ni Claire sayo.”

Oo alam ko dahil mismong si Claire mismo ang nag-sabi nun tungkol sa akin. Inaamin nyang nag-hahanda syang saktan ako kung hindi mapapasakanya si Keith. Nag-sorry talaga sya sakin at sinabing napakalaki nyang salot sa aming dalawa. Ang sabi nya rin ay kapag nakalimutan nya na ang pag-mamahal nya kay Keith ay tutulong sya para mag-katuluyan kami ulit dalawa syempre sinabi kong wag na dahil alam ko sa sarili kong mahirap mag-tiwala sa taong sinaktan ka.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon