Chapter 61

84.4K 1.5K 190
                                    

~Deli’s POV~

 

 

 

“PHILIPPINES!” sigaw ni Shayne pag-kababa ng airplane. Sobrang miss nya yung Pinas kaya kulang na lang halikan nya yung sahig. Hahaha! De joke lang po. Miss na miss lang nya ang Pinas lalo na ang mga Bess nya.

Umuwi sila para mag-pahinga. 11 pm na rin kasi kaya ipapabukas na lang nya ang pag-hahanda sa birthday ni Sofie. Pumunta sila sa bagong bahay ng Ate nya, pinagawa iyon ng both parents nina Ate Nicole at Kuya Kristof. Nakiki’kuya at ate ako. HAHAHA! =D

Doon na sila natulog kasi sobrang pagod na sila pero uuwi sila bukas sa bahay nila.

Kinabukasan, Feb. 22. Ginamit nya ang phone ng Ate nya at tinext si Cielo. Nag-panggap syang si Ate nyta at tinext si Cielo na pumunta sa isang Cefe restaurant para ibigay ang wedding invitation pero ang balak nya ay isurprise na nasa Pinas na sya pero si Cielo lang dapat ang makakaalam dahil hindi na surprise kay Sofie kung nag-kataon. Nag-reply naman si Cielo at sinabing on 10 minutes ay nandoon na sya.

Nag-bihis sya at nag-padrive papunta sa café na tinext nya kay Cielo ng makita nya si Cielo sakto nakatalikod sya kaya agad na tinakpan ni Shayne ang mga mata ni Cielo.

 

~Shayne’s POV~

 

 

 “Sino ‘to?!” Hihihi! Kung alam lang nya kung sino ako.

Nag-remain lang akong tahimik habang sya pinipilit na tanggalin yung kamay ko sa mata nya.

 

“Kung sino ka man humanda ka kapag natanggal ko ‘to!” sigaw nya. Lalo kong hinigpitan ang kamay ko sa pag-kakatakip sa mata nya kaya lalo syang sumigaw sigaw. Grabe ‘tong babaeng ‘to, buti na lang at kami lang ang costumer dito kundi… Naku! Hahaha! Pero nakakamiss talaga ‘tong babaeng ‘to.

 

“Ouch! What the--“ bago pa nya ituloy yung sasabihin nya at bumitaw na ako.

 

“Hi Bess!” masayang bati ko. Kung kanina ganito itsura nya pag-katapos kong tanggalin yung kamay ko (-____-) Ngayon ay (O____O)

 

“BESS!!!” sigaw nya at niyakap nya ako. Di man nya ako ganun kamiss no? Hahaha.

 

“B-bess.” Tinapik-tapik ko yung braso nyang nakayakap sa leeg ko.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon