Chapter 21

213K 2.7K 113
                                    

~Shayne’s POV~

“Zander darling tara dun tayo sa VIP room. I don’t like it here, there’s so many distruction.”

“Darling dito na lang tayo. Sa’yo lang naman ako nakatingin e.” and for the 5th time naghalikan nanaman ang dalawa. Nakakadiri.

Magkatalikod yung table at chair naming ni Keith kina Zander kaya hindi nila kami napapansin dito. Oo nga pala, tinanggal na naming yung caps at shades dahil nagmumukha na kaming weirdo sa suot naming, bale nakacoat na lang kami tutal air-conditioned naman ‘tong bar na ‘to. Naglagay lang ako ng konting make-up. Blush-on at lipbalm lang naman e. Kay Keith naman ay iniba niya yung hair niya from innocent to tinaas niya ito na parang isang ganster. Imbes na mandiri ako sa hairstyle niya kinilig ako. Kahit mag’Jose Rizal hairstyle pa siya gwapo pa rin siya e. >///< Bakit kasi ang gwapo at ang hot hot pa ng boyfriend ko?!

Baka mamaya wala na siya sa tabi ko at matangay siya ng mga babaeng kanina pa nakatingin sa kanya. Sundutin ko mga mata nila e!

Ilang sandali lang nag-make-out na yung dalawa sa likod namin. Hawakan ng kahit ano! Naririnig ko pang napapaungol yung babae. GOD! Get a room! Hindi sila nahiya!

Napansin ata ni Keith na hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko.

"Gusto mo pa ba ituloy na natin 'to?" tumango-tango ako

"Kung gusto mo nang umuwi sabihin mo lang sakin ah..."

"Okay."

"Sure ka talaga? Mukhang naiirita ka sa paligid e."

"Hindi, okay lang. Gusto ko kasing ubusin 'tong four season shake na 'to." I heared him chuckled. Tapos hinawakan niya yung kamay ko

"Hahaha... Halata ngang gusto mo yang four season shake. Nakaka'apat ka na e."

Yup naka'apat na akong order ng four season shake. Ang sarap kasi ng pagkatimpla. Hindi nakakasawang inumin.

Mago'order pa sana ako ng isa pang order ng four season shake ng maramdaman kong namamalipit na yung tyan ko.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon