Chapter 66

81.7K 1.7K 140
                                    

~Qim’s POV~

 

 

“Let’s all welcome, the King and the Queen of the Beach 2013!” sigaw nung MC, nag-hiyawan yung mga tao.

“Ayoko, nahihiya ako.” Bulong samin ni Shayne. Sobrang dami kasi yung tao kasi may party mamaya. Whooo! Beach party~

 

“Walang hiya hiya! Ikaw ang Queen kaya dapat nandun ka!” sigaw ni Tracy pero ayaw parin ni Shanye umakyat sa stage kaya pinag-tulak tulak namin sya ganun din ginawa nina Zander kay Jake.

Nung naka-apak na sina ng stage lalong humiyaw yung mga tao.

 

“Ang gwapo mo Jake!” sigaw nung mga babaeng katabi namin

 

“Ang ganda mo Shayne! Sobra!” sigaw naman nung mga lalaki, syempre! Mana sa bestfriend! Hahaha.

Umakyat rin sa stage yung may-ari ng beach na ‘to. Ang alam ko si Emman Tuazon ba?

 

“Akala ko matanda.” Bulong ni Tracy sa akin, ako nga rin akala ko matanda kasi kapag may-ari diba talaga matanda? Pero iba si Emman, mga nasa early 20’s siguro tapos ang puti, walang pimples, walang wrinkles in short, gwapo sya.

May dala syang malaking trophy at dalawang Ibook at for sure nasa loob nun yung iphone na pinaka mamahal ni Sofie.

Makikipag-kamay sana si Shayne kay Emman kaso inunahan sya ni Jake.

“Ayiiee!” sigaw ng madla syempre kami rin. Ang sweet kaya ni Jake!

 

“Good job pare!” sigaw naman ni Royce kay Jake, nag-smile na lang si Jake kaya lalong tumili yung mga babae.

 

“Let’s all welcome! The King and the Queen!!!” sigaw nung Mc tapos biglang naging dance floor yung center ng beach, may mga disco ball, DJ tapos may stool rin ng bartender.

 

“Group hug!!!” sigaw namin at nag-yakapan nung pagkababa ni Bess Shayne at Jake sa stage

 

“LET’S PARTY!!!” sigaw nung Dj kaya sumayaw kami

Biglang may humila kina Bess Shayne at Jake sa may center ng beach at doon sila sumayaw ng sumayaw pero kahit ganun, protective parin si Jake. Everytime na may nag-papapicture na lalaki kay Shayne sasali si Jake, halata naman sa mga lalaki na naiinis sila kay Jake. Tapos kapag babae naman yung nag-papapicture kay Jake, hihilain ni Jake si Shayne kaya kasama na rin si Shayne sa picture.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon