Chapter 16: As his Brother

396 103 105
                                    


Chapter 16:

As a Brother



A L E X A N D E R

Parang nakahithit ng baygon at katol sabay lumaknak ng zonrox 'tong tatlong mga kasama ko 'cause they're so sabog amp!

Walang iba lang naman kungdi sina Dave, Justin at kasama ang asungot na si Drake na super init ng ulo daig pa ang matandang dalaga! AS IN!

Ewan ko ba dito sa lalaking 'to parang everyday red tide!

Bayot talaga ang 'sang ito, e! I burst out laughing with my thoughts.


Nasa condo ako ni Dave kasama mga tropa ng utol ko na si Aeros. Silang tatlo lang dito at hindi ko na tinanong kung saan si Aeros kasi alam ko nandoon siya ngayon sa jowa niyang pabebe. Iyong si Hercules naman ay tiyak nasa sariling condo iyon mag-isa. Tamad kasi ang damuhong 'yon gumala kahit na dumalaw lang dito sa condo ni Dave 'di pa magawa e nasa kanto lang naman ang condo no'n!


Bukas pa klase ko 4:00 PM, PE subject lang naman kaya naisipan kong mag-overnight dito sa unit ni Dave at makipag inuman sa kanila since naabutan kong kumpleto ang tropakels, ang tropang wapakels!


Katunayan, unang magtotropa talaga kaming apat, kami talaga solid magkakasama sa mga kalokohan at katripan, pero dahil higher sila sa 'kin ng dalawang taon kaya bibihira na lamang kami magkakasama. At kapag nagsama-sama naman kaming tatlo tiyak na BOOGS! BOOGS! BOOGS! Ayan ah, may sound effect pa para may feelssss...


Saka lang nakipagsiksikan iyong kutong lupa kong kapatid sa tropa noong naging magkaklase sila sa isang subject. At lagi rin kasing sanib pusang 'tong tatlo sa mansyon kaya nagkakilala din ang mga kupal.



Humahalinghing si Dave nang gumising at napasapo pa sa noo sabay ngumiwi.


Gawin ba namang juice ang Struise Black Dammation VI-MESSY, loko kasi itong si Justin lagyan ba naman nang maraming sweetener and brew tuloy nasarapan naman ang kupal, ang ending super duper hang over.


"Darn it! Lasing ba ako kagabi!?" Singhal ni Dave na nakapikit pa rin, iniinda ang kirot sa ulo. Hindi ko tuloy maiwasang mapabungisngis sa tabi.


Sasagutin ko na sana siya nang bumanat agad si Drake, "Hindi ka naman nalasing, 'dre. Hindi talaga." Natawa ako sa tono nang pananalita ni Drake habang naka-indian sit siya't nakahalukipkip.


Pandak na nga malaki na nga ang eyebags ta's ganyan pa maupo, e ano na itsura niya!? PANDA LANG!? TARSIER GENOWN!?


Naagaw ng pansin ko si Justin na nagpipigil nang tawa doon sa kitchen habang lumalagok ng gatas. Alam ko kanina pa siya gustong magsalita pero dahil nagsusungit na naman si bayot, binigyan niya muna ito ng spotlight.


"Eh ano lang!? Taena sakit ulo ko! Ano ba ginawa ko kagabi ba't wala ako maalala?"


"Hindi ka talaga lasing kagabi, 'dre. At wala naman masyado kang ginawa. Nilagay mo lang naman sa blender iyong laptop ko at sinasabi mong gumagawa ka ng Apple juice. Kinuha mo lang naman ang cheap na phone mo sabay nilagay sa cake, kasi sabi mo cherry 'yon. Nagalit ka lang naman sa CSR ng Food Panda kasi hindi mo makita ang panda sa menu nila. Tinanong mo lang naman ang nanay ko kung virgin pa ba siya. Tapos pumunta ka sa kusina tapos naghiwa ng pinya, sumisigaw ka lang naman ng 'Spongebob! Alam kong andyan ka lang, lumabas ka!'. Tapos bigla mo tinapunan ng tubig tatay ko sabi mo water bender ka." At doon ay naibuga ni Justin ang iniinom na gatas.

Destroy thy FALLEN GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon