Chapter 12: The Bloody Death

181 24 16
                                    


SPG: Violence


Chapter 12:

The Bloody Death



W I N T E R

Tumingin ako sa gawi kung saan ko narinig ang flash ng camera na iyon. Pagtingin ko ay isang madilim na room. Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan ang room at pagbukas ko rito ay tanging madilim na espasyo lamang bumungad sa akin.

Kinapa ko ang gilid ng dingding ng pintuan at saka naramdaman ang switch. Kumunot ang noo ko nang makita namang walang tao rito sa room na ito. Pero para makumpirma sa sarili na wala nga, e sinadya ko talagang lubutin ang classroom pero kagaya nga nang nauna ay wala talagang tao rito.


Napalunok ako kung sa'n galing ang flash na iyon, o baka naman namali lamang ako nang rinig.


Itinulak ko na lang sa dulo ng aking isipan ang tungkol sa flash dahil sa need ko na magpalit ng damit, nanunuot ang lagkit ng energy drink sa katawan ko. And the only person na puwede ako bigyan ng extra damit ay si Alexis.


Napapalatak ako ng dila dahil kahit malas ay suwerte pa rin ako ngayon dahil walang gaanong estudyante sa paligid.




Pinuntahan ko ang room ni Alexis. At noong nasa tapat na ako ng pintuan ng room nila ay medyo nagdalawang isip ako na kumatok dahil syempre nakakahiya rin kaya na humarap sa mga kaklase ngayon ni Alexis na ganito itsura ko ta's hindi ko pa kilala prof nila kaya hindi ko alam kung papayagan ba niya si Alexis na makausap ko saglit.


Never mind. Mas nanaig ang pagnanais ko na mapalitan na damit ko kasi iba na amoy ko dahil sa lecheng Lived na energy drink na iyon!


Tumikhim ako sabay lunok at mabilisang kumatok sa pintuan. Walang tugon mula sa loob, kaya minabuti ko na ulitin ang pagkatok kaso wala pa rin. Gagawin ko na sana ulit nang bumukas ang pinto at laking gulat ko na si Alexis mismo ang nagbukas ng pintuan.


"Winsher!? A-anong ginaga—Anong nangyari dyan sha damit mo!?" Pag-aalalang tanong niya habang pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.


Umiling na lamang ako. "Mahabang kuwento. Pahiram muna ako ng extra'ng damit mo kahit ano, wala na rin naman akong klase kaya okay lang na ano idamit ko."


"Shure, sure! Buti wala pa akong kashama rito bukod kay Diana." Literal na nanlaki mga mata ko at talagang hindi naiwasang umawang bibig ko dahil do'n. Ang dahilan kung bakit ako nagkaganito ay kaklase niya pala!


Natigilan ako roon at hindi ko na napagtantong naiwan na pala akong nakatayo lang dito na walang imik dahil do'n.


"Uy, Winsher! Okay ka lang?"


Gusto ko sugurin si Diana at harapin ulit siya na kung bakit niya nagawa sa akin ito pero ayaw ko lang madamay si Alexis sa kung anong kabaliwan no'ng Diana na iyon!


Nanginginig na lamang akong tumango saka bahagyang sumilip sa pintuan ng classroom ni Alexis upang makumpirma na silang dalawa pa lang sa room na 'to. At oo, sila pa lang nga.


Nakaupo siya ngayon sa pinaka harap na row ng mga upuan na walang pakialam sa kung sinong presensya na nasa likuran niya habang prenteng umiinom pa rin ng Lived na energy drink na iyon!

Destroy thy FALLEN GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon