Chapter 9: The Detective

440 103 100
                                    



Chapter 9:

The Detective



A E R O S

Nanuyo ang lalamunan ko pero nagawa ko pa rin mahanap ang sariling boses. "Tang-ama! Sinong may gawa nito!?" Nag panick ang mga waiter maging ang manager nila at maski sila ay hindi makapaniwala sa nadatnang insidente.

Sinubukan ko tingnan ang pulso ni Justin pero wala talaga! Hindi ko na alam ano ang gagawin sa kanya! Kinakabahan ako! Pero sana hindi pa patay si Justin.

"Papunta na raw ang ambulansya—"

"Hindi sapat iyon! First aid, sino marunong sa'nyo!?" Kaagad naman lumapit si Hellena sa tabi ko, lumuhod siya sa gilid ng katawan ni Justin at ipinatong ang ulo nito sa binti niya. Doon ko lamang naalala na nurse pala siya.


Pinunasan niya ang mga bula ni Justin sa bibig at ipinikit ang mga mata nito. "We need pa rin ambulance as soon as possible!" Lalo ako nawalan ng hininga dahil sa nadarama ko ngayon.


Nagkahalo-halo na ang mga emosyon ko. Napahilamos ako sa mukha sabay tinapunan ng tingin ang manager ng resto.


Umigting ang panga ko sa galit. Hindi ko alam pero nandilim na lang bigla ang paningin ko at namalayan ko ang sariling sinusugod ang manager ng resto sabay dinakma ang kuwelyo niya at malakas na itinulak siya sa dingding, diniin ko siya kaya kitang-kita ko ang pamimilipit niya sa nagawa ko!


Napasinghap ang lahat at ang iba naman ay lumapit sa puwesto naming dalawa, habang ang ibang crew ay hinahawakan ako, pinipigilan ang mga maaari kong gawin sa manager nila.



"Si-sir?" Natatakot na wika ng manager ng resto.

Lalo lang tumaas ang dugo ko sa galit dahil sa nangyari kay Justin! At hindi ko malaman kung anong salita ang dapat ko itapon sa kanya dahil punung-puno ako ng mga katanungan ngayon!


"ANO NANGYARI KAY JUSTIN!? TANG-AMA! Sino may gawa nito sa kanya!? Sumagot ka!" Bulyaw ko sa kanya habang takut na takot siyang nakatingin sa 'kin, pilit niyang pinanatiling bukas ang isa niyang mata dahil nakapikit na ang isa nito dahil sa namimilipit na siya sa sakit na dulot sa nagawa kong pangdidiin sa kanya sa dingding.


"Si-sir! Tama na po 'yan," pang-aawat sa 'kin ng isang security guard, hawak na niya braso ko, pinipilit na bawiin ang mga kamay kong mariing nakahawak sa kuwelyo ng manager nila. "Wala pong alam manager namin. Wala naman pong may gustong mangyari—"

"Kumakain lang naman siya dyan ng scallop e tapos biglang—"



"That's enough, Aeros Javier! Don't act as if patay na si Justin!" Nagulantang ako sa sigaw ni Hellena. Kailanman ay hindi ko siya narinig na magtaas ng boses.

Napalingon ako sa gawi niya saka ko nakita ang dalawa niyang daliri sa gilid ng leeg ni Justin.


"Nakaka-feel pa me ng small pulse rate kay Justin! I don't know pa what really happened to him ba. But, I'm gonna check him naman! Kaya please, help ka na muna 'di ba?" Medyo nahimasmasan ako ng kaunti pero hindi pa rin nawawala ang galit ko.

Destroy thy FALLEN GAMEWhere stories live. Discover now