Chapter 4: Heart Desires

710 140 206
                                    



Chapter 4:

Heart Desires


A E R O S

Sumalampak ako sa sahig sabay salo ng bottled water na hinagis na kupal na si Drake. I hissed. Kaagad ko nilagok ang laman nito saka binato pabalik doon sa kupal habang hinihingal pa rin sa naging matinding labanan.

Taena talaga! Fifteen points ang lamang ng mga kalaban, semi-finals pa man din!

Ugh. Paano na 'to!? Ilang minutes na lamang ang nalalabi. Gawin ko na ba ang nakamamatay kong moves?

Pero bakit ganoon hindi man lang ako pinagpawisan sa nangyaring matinding labanan? So it means, chicken lang ba ituu?


"Mga Cup B! Tawag na tayo ni coach!" Sigaw ni Justin na isa sa mga pinaka kupal kong tropa.

"SHABUUU! Ikaw lang ang Cup B! Hayop na 'to!" At talagang hindi makapapayag itong si Drake kupal na hindi tinututulan itong pinsan niyang si Justin dahil sa kalokahan nito.

Geez, nasanay na akong tawagin kaming Cup B ng unggoy na iyan. Minahabang salita niya raw sa 'bra' na ibinabagay niya sa laki raw ng dibdib namin.

Abnoy talaga.


Lumapit ako roon sa puwesto ni coach na nakabusangot ang mukha. Paano ba naman kasi hindi namin nasunod lahat ng mga itinuro niyang tactics kuno. Katunayan, given naman kasi na hindi namin masusunod lahat ng iyon lalo pa't matindi rin ang mga kupal na mayayabang na iyan.


I scoffed.


Sorry sila dahil mas hamak na malalakas at matatalino yata kami sa mga walang kuwenta nilang da-moves kuno sa pag babasketball. Defender lang sila, kami undefeated back-to-back champions.


Itinuro na ni coach doon sa hawak, hawak niyang board ang mga dapat naming gawin, pero kahit halos kumawala na ang mga ugat niya sa leeg kasisigaw para sa last minute instructions niya, e 'di ko pa rin magawang mapakinggang mabuti ang mga ito.


Tumatango na lamang ako habang nakapamewang at hinahabol ang hininga. Sa lakas ba naman kasi ng mga hiyawan, pag kalabog ng mga bote at iba't-iba pang cheers mula sa fans, sino ba naman makakapag focus ng maayos sa mga sinasabi niya?

Pero bakit ganoon? Bakit pangalan ko lang laging nangingibabaw mula sa madla? Asaan ang mga pangalan ng mga Tropakels ko? Ang tropang wapakels? Ano pala nilang apat dito? Extra lang sa estoryang 'to? Genown!?


Well, ano pa nga ba ang aasahan mo 'di ba? Given na iyan, ako si Aeros, e! Aeros Javier Bloody Mere, ang lalaking swak mag-shoot ng bola mapa-ring man o sa puso mo. Laugh my ass off, dude.


"Huy Captain Bloody Mere! Narinig mo ba mga instructions ko!?" Coach snaps me which brings me back to reality.


Napangiwi na lamang ang mamula-mula at manipis kong labi sa ginawa niya. Hinawakan ko ang aking matigas na tiyan at binilang ang abs ko dahil sa takot na baka nabawasan sila. Paano ba naman kasi hindi naman ako ganoong pinagpawisan kahit na matindi iyong laban. Kaya kinakabahan ako na na-relax ang tiyan ko at hindi na itong mananatili pang matigas.

Geez, nightmare ito mga 'dre!


"Yeah, yeah. Clear as your eyes coach." May halong kapilyuhan kong sagot sabay kindat sa kanya na ikinailing na lamang ng coach namin.

Destroy thy FALLEN GAMEWhere stories live. Discover now