Chapter 10: The Case

190 23 36
                                    



Chapter 10:

The Case



A E R O S

Anong kabidahan itong ganap ni Austin? Hindi ko talaga mahanap ang sagot sa kung paano nangyaring naging detective siya. Gayoong hindi naman related ang kinuha niyang strand sa pagiging imbestigador, at isa pa, napapansin kong mukha siyang ahead sa mga ito na para bang takut na takot sila sa kanya.


He hissed and rolled his eyes. "Obviously, I am a detective. And, I am here to investigate." Ngiwi niyang sagot.

Psh! Yabang talaga nito.

Pero hindi ko makakailang ang astig niya tingnan. Wait, ano!? Erase. Erase. Ang bading niya amp.



"I was assigned last month under the provision of Maestro Cypher. And even I explained it to you it would only a waste of time because I believe you won't understand it." Matabang niyang sagot saka mabilis na kinain ng mga yapak niya ang daan papasok sa restaurant habang ako ay naiwang nakababa ang panga sa sahig.

Tama ba rinig ko? Sino naman itong Maestro Cypher na sinasabi niya?



Sinundan ko siya sa loob habang nilalagpasan namin ang ibang pulis na panay picture sa table kanina ni Justin na hindi pa rin nagagalaw ang mga kubyertos at plato ay saka ko nahanap ang sarili sa loob ng isang conference room.

Bumungad sa amin ang isang mahabang la mesa, hindi nakawala sa 'king atensyon ang iilang computer na nakalagay roon na pansin ko sa screen nito ang mga nakuhang footages ng CCTV kanina. At sa dulo nito ay may tatlong tao roon na hawak ng mga pulis, isa roon ay pamilyar sa 'kin.


"Te-teka! Ikaw iyong nag served sa amin kanina ah! Tang-ama! Sabi na nga ba, e, kaya iba ka kung tumingin kanina dahil sa may binabalak ka pala! Hayop ka!"

Hindi na ako nakapag pigil pa, sinugod ko na siya at balak na sanang abutin ang leeg niya nang kapwang braso ko ay sinalikop ng dalawang pulis at mahigpit itong hinawakan at inilagay sa 'king likuran.

"Tang-ama mo! Hayoooop! Kamuntikan mo nang patayin si Justin!" Hindi pa rin ako nag patinag sa mga hawak nila, inabot ko pa rin ang waiter kanina na nag served sa amin ng isang malakas na sipa na dahilan sa pag bagsak niya sa sahig!

Namilipit siya roon.



"KEYAH!"

Slang na tawag sa 'kin ni Austin pero hindi ko siya pinansin dahil sa mga oras na 'to gusto ko pagbayaran ng mamamatay tao na ito ang ginawa niyang pang gagago sa kaibigan ko!


"Tang-ama mo! Lumapit ka rito! Tang-ama mo! Tatapang tapangan kang patayin kaibigan ko ta's natatakot ka masuntok ko!? Lumapit ka sabi, e! Hayop ka!"


Hindi pa rin ako nag papaawat kahit na marami na ang panay hila sa akin palayo sa demonyong waiter na ito na panay harang lang sa umiiyak niyang mukha.

"So-sorry, Sir... wala po ta-talaga akong a-lam." Pagmamakaawa niya pero kingina lang hindi niya ako makukuha sa mga pa inosente niya kunong drama.

Destroy thy FALLEN GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon