HSED 26 🏨

231 114 16
                                    

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

 Sinabi ko kay Mama lahat ng pwedeng mangyare bukas, tungkol sa kasal namin ni Rayka. Naniniwala siya na kahit hindi pa kami handa sa haharapin namin, pero sisiputin daw ako non.

Sana nga, magtutulungan naman kami, hihingi ng payo sa mga magulang namin sa pagiging buhay magasawa kung sakali. Kung nangyare namang hindi sumipot mas handa na kong harapin ang pagsubok dahil alam at sigurado akong mahal niya ko.

Kung may pagkakataon lang sana na i-urong ang kasal, kasi hindi ko pa naman napapatunayan kung anong klaseng boyfriend ako, ni hindi manlang ako nakapagpropose ng pormal sa kanya, gusto ko pa sana makilala yung ibang tao sa buhay niya, ganon din sa buhay ko.

Dunating si Papa pagkatapos namin maghapunan ni Mama, dito niya binalak matulog para makasama niya ko kahit sandali bago ako magpakasal, naisip ko na magandang pagkakataon narin para maitanong at makwento ko ang mga bagay bagay kay papa.

Sinumulan ko sa kung paano ko nakilala si Rayka, paano kami nagkakilala sa Hotel, inamin ko na agad kay Papa na nagkaroon kami ng kasunduan ng Tatay ni Rayka na maging magkarelasyon, na set-up lang ang lahat noon hanggang sa nagkatotoo na.

Nagulat ako nung sinabi ni Papa, na alam niya yung tungkol don, hinihintay niya lang ako na magsabi sa kanya, dahil nirerespeto niya kung ayaw kong sabihin, noong umpisa pa lang nakakaramdam na siya, na nagudyok para magtanong siya kay Mama at tumama ang mga hinala niya.

Inasahan na rin niya na mahuhulog ang loob ko kay Rayka, sino nga naman kasi ang hindi?

Wala naman akong problema kayla Mama at Papa, tanggap ko nang hindi sila nagkatuluyan o magkakabalikan pa, kuntento ako sa kung anong nangyare sa love story nila, baka sa ibang dimesyon, sa ibang pagkakataon sila talaga, at hindi dito. Mananatiling espesyal ang namagitan sa kanila. Napansin ko na naman na hindi naghahanap si Mama ng pagibig, si Papa naman may Tita Beatrice na mabait at mahal na mahal siya.

Makakatulog na ko ng mahimbing, isa na lang talaga ang tanong!

Pupunta kaya ang misis ko sa papel na kasintahan ko sa totoong buhay? Sa araw ng kasal namin?


(っ◔◡◔)っ 💖 RAYKA 🤦🏻‍♀️

It was around 6:00 am when I woke up because of my nieces Luna and Tala that was kissing me.

"Goodmorning to our princess" Mommy greeted while holding a tray of meal.

Grilled Cheese and Hot Chocolate!!!

"Sandwich na muna for now Tita, cause you know your gown might not fit you!" Luna explained.

Then I pay attention to Mom and Dad, they both winked at me. I told them last night na I wasn't ready to be a wife, kasi it was fast and unpredictable na it would come this soon. Mommy's advice if nakayanan nila ni Daddy, mas kakayanin namin ni Lio for as much as we love each other and honestly I don't picture out myself marrying other guy than him. On the other hand, Dad's advice na kung lately lang kami nagkaron ng feelings for each other, medyo mabilis kung iisipin, I also clarified yung tungkol kay Amanda last night, he was convinced naman na matinong lalaki si Lio, he wants to spend more time sana with me and Lio bago kami magpakasal.

Hotel Strangers equals DisasterWhere stories live. Discover now