HSED 2 🏨

648 274 43
                                    

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

          "Ah Sir.Lio, ito na po yung galing sa girlfriend niyo" sabi ni Maya, ang aking makulit na secretary, habang inaabot niya ang lunch bag sakin.

          Nakatayo lang si Maya sa may pintuan na parang inoobserbahan ako. Binuksan ko ang bag at isang malaking tupperware ang bumulagta sakin.

          "Wow sir, napakalambing talaga ni Ms.Rayka" banat niya na parang kinikilig pa. Fan na fan siya ng relasyon namin simulat sa simula. Kung alam niya lang.

          Pagkabukas na pagkabukas ko, "Magaamoy tinapa nanaman ang office ko neto", ang specialty ng girlfriend ko, at ang naging sanhi para magpatayo siya ng restaurant ang kanyang fried tinapa rice.

          Kaya lang bat ganon? Anong tingin sa'kin ni Rayka di nagaalaga sa kalusugan at pang-apat na tao yung dami ng kanin.

          "Maya, paki-tawag nga yung mga yun" habang tinuturo ko ang ibang empliyado na malapit narin sakin.

          "Yes, sir" sagot ni Maya.

          Agad siyang lumabas ng office at tinawag yung iba. Lima na sila nung bumalik sila sa office.

          "Oh may mga baon ba kayong ulam? May tinapa rice ako dito" tanong ko habang inaangat ang hawak kong tupperware.

          "Meron po sir!" sabay sabay nilang sagot.



׺°"˜'"°º×  ׺°"˜'"°º× º°"˜'"°º×  ׺°"˜'"°º×



           Habang kumakain na kami sa pantry.

          "Grabe sir sobrang sarap magluto ni Mam.Rayka" puri ni Jerome na parang ngayon lang niya natikman yung luto ni Rayka, eh isang beses sa isang linggo magpadala yun ng tinapa rice. Sabagay, minsan di ko sila nabibigyan kapag konti lang ang naipapadala niya.

          "Alam mo sir yan ang mga babaeng pinapakasalan na agad, agad!" paalala ni Jerome.

          "Oo nga sir di niyo pa po ba naiisip pakasalan si Mam.Rayka? Ang tagal niyo na rin" sabi ni Rerey na nagbadya sa pagkaubo na halos maluwa ko na ang kanin sa bibig ko.

Hotel Strangers equals DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon