HSED 18 🏨

236 130 9
                                    

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

"ANDYAN SI RAYKA" sigaw ni Ronan habang pinipilit kong tumayo. Nakita ko siya, hindi ako pwedeng magkamali, umiiyak siya dahil sa nakita niya.

Pumasok si Amanda sa banyo pagkatapos siyang itulak ni Ronan sa galit. Sobrang dilim ng kwarto niya kanina, hilong hilo at hinang hina ako.

"Iinom inom ka, alam mong hindi kami ang kasama mo at alam mong di mo kaya" pagsesermon sakin ni Ronan. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko.

Naaninag ko na Pinipigilan siya ni Jannah "Tama na, tara na"

"Sir Ronan, hindi naman po namin namalayan na -" pinagtatangol ako ni Maya pero sinabihan siya ni Ronan "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo Maya"

Unti-unti kong pinilit bumangon para magpaliwanag kay Ronan. Bago ko pa to simulan "Hindi ako ang kailangan makarinig ng paliwanag mo, wag mo ng sayangin ang oras mo"

Agad na silang lumabas ng kwarto at dali dali akong nilapitan ni Maya. "Sir, sorry po" sabi niya habang tinutulungan akong tumayo.

"Si Rayka, habulin natin" pakiusap ko sa kanya.

Habang inaakay niya ko, tinanggihan ko yon, sumenyas ako na kakayanin ko.

"Sir hindi kayo papakinggan non ngayon, hayaan na muna natin si Mam.Rayka Sir" paniniwala niya.

"Makikinig yon, alam niyang di ko magagawa sa kanya yon" katwiran ko sa kanya.

"Andon na nga po tayo Sir, pero baka lalo lang pong magalit si Mam. Rayka kung ngayon po kayo magpapaliwanag ng ganyan kayo"

Sa hagdanan pa lang nakita ko na sina Rerey at Jerome na nakahiga pa rin sa kalasingan. Naalala ko marunong magmaneho si Maya, habang inaakay niya ko pababa "Ikaw na ang magmaneho" pakiusap ko sa kanya

Halatang halata ang pagaalinlangan niya pero nanaig parin ang awa niya sakin.


(っ◔◡◔)っ ✍🏻 MAYA 👩🏻‍💻

Wala naman akong magawa, ngayon ko lang nakita si Sir. Lio na nagkakaganyan. Gusto ko na ring maluha sa mga nangyare, pakiramdam ko dapat naging mas responsable ako at alam kong ganon ang boss ko.

Binigay ni Sir. Lio sakin ang susi ng kotse nung bumababa kami ng hagdan. Pinasakay ko na si Sir, habang ako babalikan ko muna ang mga gamit namin.

Pumunta ako sa sala para kunin yung bag ko, tignan mo 'to sina Rerey nangyare na lahat, lasing parin. Paano pa kayo mapapakinabangan niyan?

Naalala ko bigla na kumuha ng tubig na malamig nung makita ko binuksan nung katulong ni Amanda ang Ref. Ito ang isa sa mga paraan para magising na sa katotohanan si Sir.

"Excuse me" hinawi ko pa siya. Sinalin ko yun sa tumblr ko, dinala ang lahat ng gamit ko at ni Sir nang kumakaripas sa pagtakbo.

Pagsakay ko ng kotse iniabot ko kay Sir. Lio yung lalagyanan ko ng tubig at inistart na ang kotse "Sir inumin mo yan, o kaya ihilamos mo ng mahimashimasan ka naman" paalala ko.

"Salamat! Kaalis alis lang ng kotse ni Roland, sigurado naman ako na sa bahay nina Ate Sarah ang deresto nila" payo ni Sir.

Umandar na kami at wala namang ng traffic dahil sa hating gabi na. Kahit pagagalitan na ko samin hayaan ko na lang, mas kailangan ko ng gawin yung trabaho ko ngayon. This is for my family, joke, para sa Team Lio at Rayka.

Hotel Strangers equals DisasterWhere stories live. Discover now