HSED 9 🏨

366 212 4
                                    

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

           "Okay naman ah! , ang galing mo nga eh, lalo na doon sa chorus" puri ko kay Rayka habang nagpapractice siya ng para sa collaboration nila ni Treavor.

           Nagsuot na siya ng sapatos pagkatapos iparinig sakin yung kanta niya "Sinasabi mo lang yan kasi mahal mo ko"

            Lumapit ako sa kanya at tinali ang sapatos niya.

          "Mahal naman talaga eh, mahal nga tawag ko sayo diba?" paalala ko sa kanya.

          Tinali naman niya ang sapatos niya sa kabila, "Stop teasing me, Andrelio Ruiz, I remember you called me mahal nung fiesta and it captured everyones attention!"

           Nagkatiginan kami at sabay tumawa.

           "Akala nila it was real" sabi niya at pareho kaming natahimik dahil don.

          Nagisip na lang agad ako ng ibang pwedeng sabihin "Sigurado ka na ba na isasama mo ko? Pwede naman akong magsinunggaling sa daddy mo na sumama ako?"

          Hinawakan na niya yung kamay ko at sabay kaming umalis sa kwarto niya "Sure naman ako na isasama kita, unless you have different agendas?" tanong niya.

          Binalikan ko ng mabilis yung bag niya bago niya pa maisara ang pintuan "Wala naman, naisip ko lang baka mailang ka na nandon ako, tapos andon si"

            "You have a point its awkward na I'll do something with my ex, pero why wouldn't I feel comfortable if I brought my boyfriend with me?" paglilinaw niya at nakangiting nakatingin sakin.

          Para akong lulubog sa kinatatayuan ko, parang kinikiliti ang tenga ko sa mga naririnig ko bukod pa sa napakagandang binibini na nasa harapan ko.

          "Hmmm, tara lets go!" sabi ni Rayka habang inaalok niya ang kamay niya sakin.





׺°"˜'"°º×  ׺°"˜'"°º× º°"˜'"°º×  ׺°"˜'"°º×





          "Sigurado ako, trending nanaman ang alaga ko nyan" sambit ni Kuya Bert habang nagdridrive "Nako kuya, remember kahapon pa lang andami ng nagtag sakin sa post ni Treav" sagot niya.

           Agad kong binuksan ang cellphone ko at hinanap yung post ni Treavor. Katabi ko si Rayka sa likuran at pagtapos nilang magusap ni Kuya Bert tahimik na lang siya, nakatingin sa bintana na tila tinatanaw ang dinadaanan namin at agad siyang nagkabit ng earphones.

           Ganon naman siya madalas, madaldal lang kapag tungkol na sa mga kaibigan niya ang pinaguusapan.

            Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nakita ko si Rhian kahapon, pero di ko alam kung paano ko sisimulan o kung ikwekwento ko ba?

          "Hey are we fine? Parang may iniisip ka?" tas lumapit siya sakin at tinignan ang phone ko. Agad kong inalayo ito sa kanya  "Wala to wala to" katwiran ko.

          "Why so tense Lio? Wala naman akong sinasabing may nakita ako ah?" sabay tanggal ng earphones niya na parang natatawa.

Hotel Strangers equals DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon