HSED 18.5 🏨

227 124 5
                                    

(っ◔◡◔)っ 🚗 KUYA BERT 👨🏽

Ngayon ko lamang ulit nakita ang alaga kong umiiyak ng ganyan. Yung huli, nung nawala si Sir. Paul, para niyang tatay yon. Sana buhay pa si Sir, dahil ako'y nakakasiguradong papakinggan siya ni Rayka.

Sa anim na taon o halos pito na nga ata, masasabi kong nakilala ko naman si Andrelio Ruiz kahit papaano. Ang batang 'yon napakagalang sa kanyang ina, pasensyoso, marunong sa trabaho, maasahan sa bahay, masipag, at positibo sa buhay, malayo sa binatang inakala ko noong siya ay aking makilala sa Hotel.

Nang siya ay aking unang nakasalamuha, napabulong ako sa aking sarili na, kawawa naman ang batang 'to matikas at magandang lalake ngunit tila parang basagulero at walang pakialam sa buhay. Nabagabag ako nung siya ay kausapin, bagamat kailangan na ng alaga ko non, ng maayos na matutulugan, kaya nilakasan ko ang aking loob at napapayag naman siya.

Nagkausap kami habang nagpapahinga na noon si Rayka, hindi ko naman maiungkat ang kanyang personalidad, sapagkat isang babae lamang ang paulit ulit niyang banggit "Mahal ko si Rhian, nagiisa lang yon"

Hindi man maganda ang pagkakakilala namin sa unang pagkakataon, aking napagtanto nung gabing iyon, mayroon talagang taong grabe magmahal, kumbaga sa mga modernong kasabihan, may taong hindi lang buwan ang ibibigay sayo, kundi mundo ang kayang ialay sayo, at isa don si Lio.

Lalo akong nanghinayang, kung mapupunta lamang sa kapariwaan ang buhay niya dahil sa pagmamahal na kanyang kasawian noon, ang tanging payo na nasabi ko sa kanya "Hanggat humihinga 'to" sabay turo ko sa kanyang dibdib "Magmamahal ka pa"

Hanggang sa lumipas na ang gabi, ikinagulat ko na lang yung pumutok na balita, at kahit naman magsalita ako, hindi nila ako paniniwalaan, isang hamak na driver lang naman ako, kaya kahit gustong gusto ko ipagtanggol ang alaga ko wala akong magawa.

Sinubukan kong ihayag ang totoo, ngunit bago ko pa magawa yon, tinangalan ako ng trabaho, mabuti na lamang at nandyan si Mam. Sarah at Sir. Paul, na nagtuloy ng pagpapasweldo sakin, at pinatira kami ng mga kaanak ko sa kanila.

Hanga ako sa magasawang yon, hindi sila nagpapatibag sa kung ano man ang sinasabi at naririnig nila sa iba. Sila rin ang nagpaaral kay Rayka noong ito ay lumayas at sumama sa ate niya. Highschool siya noon nung magtrabaho ako bilang driver niya, mga magulang niya ang mga amo ko, hanggang sa nangyare nga ang pagpapanggap nila ni Lio sa huling taon niyang pagkokolehiyo, doon ako nagsimulang manilbihan kayla Mam. Sarah.

Mabait ang alaga ko, sopistikada, matalino, mabilis magisip, may angking talento, kayang manindigan sa mga pinaniniwalaan niya pero hindi niya nagustuhan ang pagpupumilit ng kanyang ama na magpanggap na maging karelasyon ang lalaking hindi naman niya kilala.

Ako man din ay hindi sang-ayon, subalit ang respeto ang nanaig kay Rayka, reputasyon nilang pamilya ang nakasalalay, labag man ito sa loob niya. Umiiyak siya sa akin non, nakwento niya na ayaw daw niyang ungkatin pa ng mga tao ang nakaraan sa pamilya nila.

Unang-una na dito ang tungkol sa Ate niya, na kapatid niya sa ama. Nakabuntis ang daddy niya bago maging sikat na Artista, ang alam ng lahat ay iisa ang nanay nila, pero hindi magkahawig si Mam. Sarah at ang mommy ni Rayka, kaya kabi-kabilang usapan ang lumabas na patungkol sa hindi ito anak ni Mam.Mary Locsin.

Pagkaraan nang anim na taon, isang anghel ang dumating, yon ang alaga ko, natigil ang mga usapan sapagkat kamukha niya ang Ate Sarah niya, naniwala na ang mga tao na sila ay buong magkapatid.

Pangalawa, nalaman ni Mam. Sarah ang totoo sa pagkatao niya, na hindi niya tunay na ina ang kinalakihan niya, lumayas at nakilala si Sir. Paul. Sa kadahilanang malayo ang agwat ng edad ng magasawa kung ano ano ang tinawag kay Sarah.

Hotel Strangers equals DisasterWhere stories live. Discover now