HSED 23 🏨

221 117 2
                                    

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

Wala akong naisip gawin kundi ang sabihin kay Rayka ang totoong napagusapan namin ng tatay niya at sabihin ang desisyon ko.

Nagmaneho ako papunta sa kanila kahit gabi na.

Naabutan ko siya na nagpapatuyo ng buhok.

"Al" sinisiglahan ko pang bati sa kanya.

Para naman hindi ganon kabigat ang dating.

"What is it? What brings you here?" sabi niya na may tonong hindi siya natutuwa.

At kinabahan ako.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya "Al, napagdesisyonan ko kase na -

Bago ko matapos ang sasabihin ko, nagsalita na siya "Napagdesisyonan ang alin? Is it because galing ka sa bahay nina Dad?"

Paano niya nalaman?

"Oh why did you stop? Tama ako no? Bakit di mo sinabi sakin na pinapunta ka?" tanong niya.

"Kasi gusto ko munang ayusin ng ako lang muna, at ayokong istorbuhin ka sa araw ng kasal ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay mo" paliwanag ko.

Binitiwan niya yung twalya na hawak niya "Fix on your own? Even its about us?"

"Hindi naman sa ganon" napayuko na lang ako sa hiya.
"Eh about what? Lio nagiisip ka ba? Are you forgetting na we are in a relationship na? Na girlfriend mo na ko?"

"Mahal ko hindi ko naman nakalimutan yon eh" sabi ko.

Kahit naman ako nabigla sa mga narinig ko.

"Really? Hindi nakalimutan? Pero hindi ka aware na since girlfriend mo na ko, we should be sharing if in case may problema tayo!" pinagdiinan niya.

Heto nanaman kami, pagsubok ulit kung kelan totoo na kaming magkarelasyon.

"Intindihin mo sana yung sitwasyon, hindi rin naman madali sakin 'to" pagkaklaro ko

"Intindihin? Gusto mong intindihin kita pero you can't tell me what the problem is bakit ka nagpunta kayla Daddy? And dont tell me that excuse na nahihirapan ka, why you think magiging madali sakin?"

"Kaya nga ako nagpunta dito dahil sasabihin ko sayo, yung pinagusapan namin ng Daddy mo" sabi ko.

Umiiling iling siya

"Pinagusapan meaning past tense, so kung ano man yon that means settled na yung desisyon, tama?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Wala akong ibang naisip na paraan para makalusot kung sakaling tangihan ko ang inuutos sakin ng tatay niya.

"Hindi pa" bulong ko.

Hotel Strangers equals DisasterWhere stories live. Discover now