HSED 20 🏨

235 126 4
                                    

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

Sabi ko sa sarili ko, habang tinitignan ko siya, "Nakita mo ba yung ginawa mo?" Kung kelan nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko tsaka naman nangyare yon.

Maghihintay ako, magtitiyaga ako.

Nang makarating ako sa may bandang pintuan at di napigilang siya'y muling silayan.

Nangungusap ang mata niya.

Hanggang ialay niya yung kamay niya para lumapit ako sa kanya.

Grabe yung bilis ko sa pagbalik papunta kay Rayka

Tumayo siya at niyakap namin ang isa't isa.

Kahit walang tinig na lumabas sa kanya, sana hindi na matapos yung pagkakataong 'to.
Hindi ko ipagpapalit ang kahit anong bagay sa yakap na galing sa mahal ko.

Hindi importante sa ngayon kung mahal niya ba ko? Ang mas dapat kong pagtuonan ng pansin yung hinahayaan niya kong mahalin siya, at nagpapasalamat ako don.

"Babawi ako, pangako, hayaan mo lang ako please Al?" pakiusap ko kay Rayka.

Hinalikan niya ng dalawang beses yung kaliwang bahagi ng pisngi ko, "shhhh, can we stay like this for a while" tanong niya

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya "Kahit hanggang bukas pa, kahit hanggang kelan mo gusto" paalala ko.

"I love you" ang tatlong salita na sabik na sabik ang tenga ko na marinig. Kahit normal na samin yon, iba yung atake sakin lalo na totoo na yung akin.

"Mas mamahalin pa kita" lakas ng loob kong sabi sa kanya.

"I love you" tapos bumulong siya tenga ko "walang halong set-up, "totoo na" at naalala ko yung gabi na sinabi ko sa kanya yon, kung paano ko inamin sa kanya, ganon na ganon ang ginawa niya.

Kaya tinignan ko siya agad "Di naman sa hindi ako naniniwala, pero totoo? Mahal mo na ko?"

"Sa tingin ko, ewan, I wouldn't feel this way naman siguro If I am not romantically inlove with you" sagot niya at kahit di siya sigurado, masaya ako.

"Hindi mo kailangan magmadali, hindi naman ako mawawala"

"So dito ka magslesleep?" lambing ng Al ko.

"Kung pagbibigyan mo ko, bakit naman hindi?" Tanong ko sa kanya.

"It's up to you" sagot niya

"Bilang manliligaw mo, okay lang ba?" Biro ko sa kanya.

"Okay wag na lang kung ayaw" at tinanggal niya yung pagkakayakap niya sakin, nagtatampo na agad ang mahal ko? Nagtatanong pa lang ako ng maayos.

"Opo, magslesleep na po dito" malumanay kong sinabi

"Really? Yehey! Thanks Al!" sabi niya habang kinukurot ng pareho niyang kamay ang mukha ko.

Ang saya saya naman ng Rayka ko, nagbalak ako na halikan siya sa noo.

Kaso pinigilan niya ko "No no no, hindi mo ko pwedeng i-kiss, hindi pa tayo okay" kaya di ko na tinuloy.

Napangiti na lang ako.

"Oh why are you smiling? Did I say something funny?"

Hotel Strangers equals DisasterWhere stories live. Discover now