As Of Now Chapter 10: Vulnerable Truth

24 0 0
                                    

Naka-upo ako sa cubicle for a good five minutes. Inisipan ko na hindi ako pwedeng manatili dito habambuhay. Pano ko naman gagawin yun?

I ran a hand through my face, wiping all the loose tears away. Umalis ako sa cubicle at humarap sa salamin. Sinuklay ko buhok ko (because it always fell onto my face) at nag-lipbalm.

Hindi ko alam kung nakabalik na sina Carol at Demitri. Or kung sinabi ni Matthew kung saan ako pumunta. Guess I'll find out.

Wala na sila sa table namin kanina, natapon na yung pasta plate ko. Nakabalik na pala sila.

Ayoko pang bumalik sa classroom pero magka-klase na eh. New student ako, meaning they expect me to have responsibility and class. Ano nga lang ang dahilan ko sa pagkawala ko ng ganon?

Nagsimula na lang akong maglakad (more like jogging) papuntang classroom since nagbe-bell na.

Pumasok ako sa classroom at naka-upo na sila lahat at nakatayo si Sir Richard sa harap, explaining something.

"So everyone's here?" tinanong ni Sir.

"Good, morning Sir." binati ko muna bago ako naglakad papuntang upuan ko.

Nakatingin sa'kin sina Carol at Demitri with worried expressions. No way, ako itingin kay Matthew. Remember, space.

"Saan ka nanggaling?! Camille, bigla ka na lang nawala." sinabi ni Carol nang patahimik.

I refuse to look so weak. I forced a smile.

"Okay lang ako. Nag-isip lang ako, kaie? 'Wag mo na kong i-pressure." sinabi ko.

I wanted to cry even more when those words escaped my mouth.

------------------------------------------

I went on like that foor the rest of the week. Everyone hardly knows how to talk to me. Pero kung pag-iisipan, ang OA kong tingnan. At tatanungin ako kung bakit. And for what? A past lover that I guess I'm not over from? Tapos sina Carol, Demitri at kung pwedeng isama, si Matthew, kaka-usap sa'kin para malaman kung bakit ganito ako then I just push them away. Worse, ang awkward ng mga pagtungo namin ni Matthew sa isa't isa nung practices namin dahil dun sa holding hands moment namin at yung absolutely bad mood I was in. Gusto ko nga lang siyang, pasalamatan na binibigyan niya ko ng spasyo. Sinabi yun sa'kin ni Demitri nung isang araw na medyo napatawa niya ko.

I feel like a bad guy.

"Please, mag-usap tayo :( " text ni Carol.

She does miss me. Maybe I'll tell her next week.

Until then, dapat malaman ko sa sarili ko kung may natitira pa kong nararamdaman para kay Matthew Cortez.

Search: Matt Cortez.

He looks alright. Nagpagupit. Still uses Instagram. Same dark brown hair, dark brown eyes, fair complexion, fit figure.

Yep, I still like him. Pero, alam kong antanga ko ngayon. Tinitingnan ko siya habang may bago na kong crush na posibleng may nararamdaman sa'kin kasi may ginawa siya nung Monday. Gusto ko pa rin siya despite the fact na tinrato niya akong fling at tagagawa ng kung anu-ano noon. Like I said, kapag nagmamahal ako, nawawala ako sa sarili ko.

So how am I gonna break the news? Maybe slowly opening up to them again and telling them what happened, piece by piece. Or maybe I'll let them pry the truth out of me and then I'll break down and tell them, a little more sympathetic effect. Then again, I don't want them to see the vulrenable me. Gahh, ansaket sa ulo. Palagi na lang ako nagfa-fantasize.

Sinarado ko laptop ko at inayos ko lahat ng gamit ko. Nagmumukha kasing madugyot ang loob ng bag ko. Toss out the paper messages, ipunin ang mga quizzes, itapon na mga ballpen na wala nang tinta, categorize all paperworks and printed photocopies, i-stack ng maayos ang mga books at notebooks. Phew, done. Ambilis lang gawin, never ko pa ginawa. I also came across some stuff na galing kay Matthew. That junk when he asked about Demitri and Carol, me having no make-up supplies, ang those little things we usually laugh about. Ansayang balikan.

As Of Now [Editing]Where stories live. Discover now