Chapter Nineteen

518 47 0
                                    

[nineteen]

Ilang araw na rin ang lumipas at hindi ko na alam kung ano ng ganap sa labas. Simula kasi nang makatungtong ako rito sa bahay ay hindi na ako hinayaang makalabas nila Mommy.

Grounded lahat ng gadgets ko, walang natira sa akin maski isa para man lang sana ma-text ko si Regina at masabi ang nangyari sa akin. Malamang ay nag-aalala na ang isang 'yon.

Wala na rin akong naging balita sa issue na kinasangkutan ko, 'di rin naman kasi ako nakakanood ng TV dahil pati iyon ay pinagkait sa akin. It was like I'm living in the ground, bawal lahat.

Kulang na lang pati ang paghinga ko ay ipagbawal na rin. How funny it is na mismong magulang ko pa ang gumagawa sa akin nito, para akong criminal kung ikulong nila rito sa sarili kong kwarto.

Marahan kong tinanggal ang kumot na nakatabon sa buo kong katawan at bahagyang umangat upang makaupo. Sinandal ko pa ang ulo at buong likod sa head board ng kama.

As always, ganito na ang naging routine ko sa ilang araw na paglalagi ko rito. Bilang lahat ng kilos ko at halos mapanis ang laway ko dahil wala akong makausap maliban sa sarili.

Mapait akong ngumiti sa kawalan. Kamusta na kaya siya? Ano nang pinagkakaabalahan niya ngayon? Malapit-lapit na rin ang concert nila, kaya sana talaga ay na-solve na ang issue.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko saka nagdesisyong lumabas ng kwarto upang mag-agahan. Hindi ko na kinakaya ang hangin sa loob, para akong naso-suffocate.

"Hija, anak..." Dinig kong tawag sa akin ni Mom na naroon nakaupo sa dining table.

Dumeretso ako sa ref upang magsalin ng tubig saka inisang lagukan iyon, tumikhim ako bago nilingon si Mom na naghihintay sa sasabihin ko.

"Yes?" Casual kong sambit at inilapag ang baso sa mesa.

"You okay?" Alanganing tanong niya na siyang ikinangiwi ko.

"What do you think, Mom? Of course, hindi." Malamig kong tugon, kulang na lang ay magyelo ako sa sobrang tigas ng puso ko ngayon.

Sa ilang gabing ginugol ko sa pag-iyak, wala na yatang natira sa akin. Tipong wala na akong mailabas na emosyon sa mukha ko ngayon.

"I'm sorry kung sa tingin mo ay mali itong ginagawa namin sayo, but trust me hija, these is all for you." Pahayag niya habang titig na titig sa akin.

Hindi natuloy ang flight ko papuntang States, kung hindi pa siguro ako lumuhod sa harapan nilang dalawa ni Dad ay baka naroon na nga ako ngayon.

And who knows kung anong pwedeng mangyari sa akin doon, titira ako roon nang mag-isa at baka kapag nangyari 'yon, tuluyan na akong mabaliw.

Isang ngiti lamang ang sinagot ko rito saka nagsimulang hainan ng pagkain para sa sarili. Tahimik lang ako buong oras na kumakain, samantalang naroon pa rin si Mommy na nakatingin lang sa gawi ko.

"Can I use my phone now?" Tanong ko nang matapos sa pagkain.

Sa sinabi ko ay nakita ko pa ang gulat sa mukha nito, pati ang tangkang pag-iling, kalaunan nang marahan itong tumango dahilan para gumaan ang loob ko.

"Thank you..."

"But please, don't tell it to your Dad, okay? Before this day end, ibalik mo sa akin ang phone mo then you can use it the other day."

Tuluyan nang kumawala ang saya sa mukha ko, wala sa sariling napangiti ako at mabilis na tumango. Tumayo ako upang yakapin ito na siyang sinuklian niya rin.

"Alam mo namang hindi kita matiis." Dinig kong bulong nito sa tainga ko.

"That's why I love you, Mom, you're always the best mom for me." Sambit ko at hinalikan pa siya sa pisngi.

"And I love you more hija."

Buong akala ko ay magkukulong na naman ako sa kwarto na purong tulog at pagmumuni-muni lang ang gagawin. Mabuti kahit papaano ay nabiyayaan ako ng isang mabait na ina.

Tanghali na nang makuha ko ang iPod at phone ko at madaliang pumasok sa loob ng kwarto. Palundag pa akong sumampa sa kama at ngingiti-ngiting in-open ang cellphone.

Unang bumungad sa screen ko ang sandamakmak na text messages at karamihan doon ay galing kay Patrick.

I miss you so bad
now, Salve.

I know this is too
much to ask, but
please, can you
stay with me?

Coz I fucking love
you, Salve. Hindi
ko na alam ang
gagawin ko.

Ilan lang 'yan sa mga recent na texts niya na hindi ko na nareplyan dahil nagsimula nang kumabog ang puso ko na halos lumabas na iyon sa dibdib ko sa sobrang lakas.

He loves me alright!

Fuck! Isa na yata iyon sa magandang nabasa ko mula sa kaniya, simula nang mangyari ang issue.

Hindi ko alam bakit kinikilig pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Ganoon nga siguro, ano? Hindi naman daw talaga nawawala ang pagmamahal mo sa isang tao, nariyan lang iyan sa kailaliman ng puso mo.

Napangiti ako saka masuyong hinawakan ang kwintas na naroon sa leeg ko, suot ko pa rin ito ngayon. Naisip ko lang din kasi na ito na lang ang mayroon ako na siyang magpapaalala kay Patrick kaya hindi ko matanggal.

Sumunod kong binisita ang mga texts ni Regina, and as expected, tinadtad niya rin ako at purong pag-aalala ang mga nabasa ko.

Girl, okay ka na ba?

Balita ko ay nasa
States ka na ngayon?

States? So, pinalabas pala ni Dad na umuwi nga ako ng States? Wala sa sariling napaismid ako. Ibang klase talaga, kaya siguro kinukulong ako ngayon dito sa bahay.

Regina:
Miss na kita girl.

Balak ko sanang replyan siya ngunit pinili kong manahimik muna, gaya ng gusto ni Dad na mangyari. Saka na ako magpaparamdam kapag maayos na ang lahat.

Sunod kong in-open ang data ko at ganoon na lamang ang gulat ko nang mapuno ako ng notifications galing sa iba't-ibang apps-- nariyan ang messenger, facebook at instagram.

And what caught my attention ay iyong naka-tag sa akin sa instagram sa account ni Patrick, mabilis ko iyong binisita at tuluyan nang nalaglag ang panga ko nang makita iyon.

Naka-mention ako sa isang post nito na mayroong picture naming dalawa, kuha ito noong tumambay kami sa Manila Bay kung saan ang araw din na binigyan niya ako ng kwintas.

“We shine together like the moon and stars, always remember that. We belong together, my Salve. Btw, she's my girlfriend.”

-- Posted by ace.patrick_

What the fuck?

Girlfriend? Kailan pa? Kailan ko siya sinagot?

Nakita kong pinost niya ito same day right after naming makauwi noon. Hindi ko alam ang tungkol dito at iyon din ang kumakalat sa buong news feed ng facebook ko.

Nabasa ko pa ang ilang comment doon ng buong miyembro ng grupong Ace, nakasuporta rin sila lalo na si kuya Ramille na panay ang reply sa mga nagco-comment ng negative.

Wow.

Hindi ko na alam kung anong ire-react ko at tanging pagngiti na lamang ang nagawa ko. Nakakataba lang ng puso na todo depensa ang buong grupo para sa akin.

So, okay na ba? Am I allowed to love him fully now in public?

I missed him... gustung-gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang yakapin lalo pa't mahal naman pala talaga niya ako.

I know, it's sound like marupok pero anong magagawa ko? Ito ang nararamdaman ko, ayoko namang magpabebe pa at magsayang ng araw.

Kung mahal namin ang isa't-isa, bakit pa hahadlangan, right?

We Belong Together [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon