Chapter Fourteen

549 52 1
                                    

[fourteen]

Wala na akong naging palag nang katukin ako ni kuya sa kwarto at sinabing aalis na. Mabuti at nakaligo na rin ako, iyon nga lang ay nakapambahay lang ako.

Hindi na ako nag-abalang magbihis ng maganda at mag-ayos ng sarili dahil malamang ay mahuhulas lang din mamaya at gagawin na naman nila akong chaperone. Hays, buhay.

Mabibigat ang paang bumaba ako ng hagdan, nauna na si kuya sa paglalakad at lumabas ng bahay. Nakahanda na ang sasakyan niya sa labas at ako na lang din ang hinihintay.

Naaninag ko pa sa passenger's seat si ate Adelle na nakaayos, nakabihis ito ng magarang bestida since may kalakihan na ang tiyan niya, at ganoon din si kuya Ramille. Hindi naman ganoon kapormal but still, magmumukha talaga akong katulong nito mamaya.

Umirap pa ako sa hangin bago pumasok sa back's seat, sakto at napatingin ako sa hita kong masyadong exposed dahil sa suot kong short, naka-boyfriend t'shirt lang din akong kulay itim at isang pares ng tsinelas.

Bwisit talaga.

Nanghihinayang ako sa oras na dapat ay si Patrick ang kasama ko, minsan na nga lang lumandi ay lagi pang nauudlot. Nakakainis naman.

"Buckle up." Sambit ni Ramille at ewan ko ba, parang tunog nang-uuyam ang boses niya.

Wala sa sariling napairap na naman ako sa hangin. Naging tahimik ang biyahe namin, walang umiimik dahil abala rin si ate Adelle makipag-usap sa cellphone niya tungkol sa trabaho.

Nasa likuran naman ang isang kotse ng mga secret body guards nila kuya Ramille, sumusunod sila sa amin at gaya ng habilin nito ay huwag silang lapitan o pakialaman. Kapag nagkagulo lang ay saka sila eeksena.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marating namin ang West City Plaza at bago lumabas ay napairap na naman ako. Nakabusangot kong ibinalibag ang pinto ng kotse dahilan para tingnan nila akong dalawa.

"Anong problema, Salve? Bakit ka nakasimangot, huh?" Malumanay na pagtatanong ni ate Adelle saka lumapit sa akin.

Ikinawit pa nito ang kaniyang kamay sa braso ko at doon ay nakita kong sumimangot si kuya. Napanguso ako at hindi mapigilang mapangiti.

"Wala, Ate." Nangingisi kong sambit.

"Oh ayan, naka-smile ka na, so let's go!"

Hinila ako ni ate saka nilampasan si Ramille, nilingon ko pa ito at nag-make face kaya mas lalong hindi maipinta ang mukha niya. Ayan, nalipat sa kaniya ang sumpa.

Kagaya ng expected ko, pagkapasok namin sa grocery ay mabilis akong pinaghila ni Ramille ng push cart. Abala kasi si ate sa paghahanap ng pwedeng mabili samantalang siya ay ewan ko ba, parang buntot ni ate Adelle.

Napangisi ako habang nakasunod sa kanila at pinagmamasdan mula sa likuran. Magiging ganiyan din kaya si Patrick kapag naging kami na? I mean, kung patay na patay pa rin ba siya sa akin matapos niyang makuha ang matamis kong “oo”?

Kadalasan kasi sa mga nakikita ko sa paligid, lalo na kapag may nagku-kwento sa akin-- sabi nila ay sa una lang daw magaling ang lalaki. Sa una lang masaya ang isang relasyon.

I doubt it, depende kasi 'yon sa inyo e. Saan ba nasusukat ang pagmamahal ninyo? Kung magiging fair kayo sa isa't-isa, hindi na kailangang magsumbatan at mauwi sa hiwalayan.

Ang sabi pa, sa una ka lang kikiligin. Like, nakipag-relasyon ka lang ba para may magpakilig sayo? Kulang ka ba sa ihi at bakuna?

"Hoy, bilisan mo diyan. Halika rito."

Parang aso naman akong utusan nito ni Ramille. Wala na akong nagawa kung 'di sundin ang amo ko for today. Subukan lang niya mag-aya kumain mamaya, sisiguraduhin kong ubos talaga pera niya.

We Belong Together [Completed]Where stories live. Discover now