Chapter Thirteen

552 54 23
                                    

[thirteen]

Nang matapos kumain ay napagpasyahan na rin nilang umuwi, nasa tapat na ulit kami ngayon ng A's Agency at kaniya-kaniya na silang way papunta sa kanilang mga sasakyan.

"Sabay ka na sa amin, Salve." Pahayag ni Ramille kaya binalingan ko siya. "Bibisita kami sa bahay since naroon si mama ngayon."

Wala sa sariling tumango ako bago sumunod sa kanila ni ate Adelle palapit sa kotse niya. Bago pa ako tuluyang pumasok ay nilingon ko ang likuran ko kung saan nakapwesto ang sedan ni Patrick.

Naroon siya ngayon nakatayo malapit sa kotse niya habang nakatitig sa akin, saglit akong napangiwi dahil akala niya siguro ay sasabay ako sa kaniya.

Wrong timing naman kasi itong sila kuya.

Kibit balikat akong pumasok sa loob ng back's seat, samantalang nasa passenger's seat naman si ate Adelle. Mayamaya lang din nang pinausad na ni Ramille ang kotse, kasabay nito ay ang pag-vibrate ng phone ko na siyang nasa bulsa ko.

Mabilis ko iyong kinuha at tahimik na binuksan ang one new text message galing kay Patrick.

Be safe na lang,
sayang at hindi
kita naihatid :(

Wow, may pa-sa emoticon pa! Pagak akong natawa saka nagtipa ng mensahe at bago ko pa iyon ma-send ay nagsalita na si Ramille na nasa driver's seat.

"May nanliligaw ba sayo ngayon, Salve?" Pahayag niya kaya nilingon ko ito.

Napansin kong sinulyapan pa ako nito gamit ang rear view mirror ng kotse, samantalang dinungaw naman ako ni ate Adelle, animo'y interesado sa magiging sagot ko.

"Wala pa naman po."

Hindi ko kasi alam kung panliligaw na bang matatawag iyong ginagawa ni Patrick, kahit pa nagtapat na ito sa'kin. Ayoko lang pangunahan.

"Pero may nagugustuhan ka na?" Dugtong ni ate Adelle na nananatiling nakatingin sa akin.

"Normal lang naman po iyon, hindi ba?" Balik tanong ko sa kanila.

Nineteen na ako. What do they expect? Sa edad ko ngang 'to ay wala pa akong naging boyfriend kahit pa ang daming nagpaparamdam, tho may nagugustuhan naman talaga ako sa school, hindi nga lang ganoon kalalim.

Sabay na napabaling kami ni ate kay kuya Ramille nang mahina itong tumawa. Muli pa ako nitong sinulyapan dahilan para mangunot ang noo ko.

"Tama naman, normal lang iyon sa mga kabataang katulad mo." Aniya at saka marahang tumango.

"Ito ngang si Ramille e, first year college kami nang manligaw sa akin. Walang paliguy-ligoy, ligaw agad." Dugtong ni ate Adelle na tinawanan naman ni Ramille.

"Sinagot mo rin naman agad."

Sa sinabing iyon ni kuya ay malakas siyang hinampas ni ate sa braso at doon ay nagtawanan sila na siyang ikinangiwi ko. Harap-harapan ba mang-inggit?

Hindi na ako umimik at dinungaw ang cellphone kong kanina pa nagva-vibrate sa sunud-sunod na text message ni Patrick.

"Pero kung sakali man na may manligaw sayo, ipakilala mo sa amin." Sambit ni Ramille na mabilis kong tinanguan.

"Sige, Kuya..."

Alanganin akong ngumiti sa kanila. Ilang minuto lang din nang makarating kami sa bahay at sabay-sabay na bumaba ng kotse. Nauna nang maglakad papasok sina kuya dahil mukhang excited silang makita si Tita Cecille.

Binalingan ko ulit ang cellphone saka huminto sa may hamba ng pintuan para basahin ang mga iniwan niyang mensahe para sa'kin.

Patrick:
Are you there?

We Belong Together [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu