Chapter Five

646 66 20
                                    

[five]

Matapos kong maglagay ng polbo ay sinunod ko naman ang liptint, hindi ko na nagawa pang tumingin sa salamin dahil abala kami sa pagpasok sa loob ng mall.

Nang sa tingin ko ay okay na, ibinalik ko na rin kaagad iyon kay Regina. Sakto nang makapasok kami ay tumutugtog na ang intruments ng bandang Ace.

Since sa amin nakapangalan ang VIP seat, nananatiling bakante iyon hanggang sa makaupo na kaming lahat doon. Sabay na sumalampak kami ni Regina sa upuan saka napahinga ng maluwag.

Hawak ang ilang mga banner at balloons ay itinaas namin iyon sa ere, lalo pa't nakikita ko ang energy ng buong Ace na umaayon sa beat ng kanta.

NP: By Chance (You & I) by J.R.A

Hi
Girl you just caught my eye
Thought I should give it try
And get your name & your number
Go grab some lunch & eat some cucumbers

Why did I say that?
I don't know why.
But you're smilin' & it's something' I like
On your face, yeah it suits you
Girl we connect like we have bluetooth

"Ahhh!!" Pagtili naming lahat na halos dumagundong ang buong mall na siyang kinalulugaran namin.

Pabilog ang activity center na 'to, masyadong malawak at malaki pero nagawang sakupin ng mga manonood. Bawat floor pa nito ay makikita mo roon ang ilang tao na nakadungaw sa railings.

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add than subtract

Naging salitan sa pagkanta sina kuya Ramille na siyang lead vocalist at Jayson na backing vocalist. Si Topher naman na lead guitarist na feel na feel ang pag-strum ng kaniyang gitara habang si Jack ay hawak ang isang bass guitar.

Dumako ang tingin ko kay Patrick na naroon sa gilid, tahimik lang nitong minamani-obra ang kaniyang drums. Nakatutok siya roon na para bang walang ibang tao sa paligid niya.

Ganyan niya ba kamahal ang drums niya o sadyang wala siya sa sarili? Ngayon ko lang din napansin na naka-all black sila, sa t'shirt nila ay may naka-print na pangalan ng grupo nila.

Siguro ay may nag-sponsor, para tuloy naging uniform nila. But anyway, I find cute tho. Ang linis lang tingnan at maaliwas sa mata.

You & I
Could be like Sonny & Cher
Honey & Bears
And You & I
Could be like Aladdin & Jasmine
Lets make it happen

La la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la

Sa gitnang chorus ay nagsabay-sabay ang lahat ng audience sa pagkanta habang nasa ere pa ang mga kamay, iwinawagayway sa salin ng musika.

Hindi mo malalaman kung gaano kasaya maging isang die hard fans, kung hindi mo mamahalin ang buong grupo, kasama ng mga masterpiece nilang kanta.

Hey
How've you been?
I know that it's been awhile.
Are you tired cause you've been on my mind
Runnin' thousand & thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style

But you
You look so beautiful on this starry night
Loving the way the moonlight catches your eyes & your smile
I'm captivated
Your beauty is timeless never outdated

Muli ay napunta ang atensyon ko kay Patrick at nagulat pa ako nang magtama ang mga mata namin. Instead na umiwas ay nanatili ang tingin ko sa kaniya.

Naningkit ang mata nito, hindi ko alam kung para saan pero sa nakikita ko ay parang ngumiti siya? Not sure. Hindi ko nga alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin o talagang assuming lang ako.

"Ahh! Shet! Si bebe Patrick, nakatingin sa akin!!" Malakas na sigaw ni Regina dahilan para lingunin ko ito.

Nagmukha siyang tuod na binudburan ng asin, pumapadyak pa ang kaniyang paa sa sahig kaya unti-unting naubos ang emosyon sa mukha ko.

Tama nga ako, hindi pala talaga ako ang tinatanaw at nginitian niya. Kupal talaga 'yon, akala mo kung sinong gwapo.

Natigil lang si Regina sa pagsigaw nang may humingi ng kamay niya. Sabay na nilingon namin ang harapan at hindi ko namalayang nakababa na pala si Jayson sa stage.

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add then subtract

Si Ramille ay may kasama ng babae na naroon na sa gitna at halos lumuhod pa ang nakuha nito dahil sa kilig, nakatakip pa ang isang kamay sa kaniyang bibig.

Hindi nagtagal nang makita ko na rin si Regina paakyat ng stage, akay-akay siya ni Jayson habang marahang sumasayaw.

Babe
It's been five years since that special day
When I asked you on our first date
I guess it's safe to say that

Napangiwi ako nang sumabit si Regina sa leeg ni Jayson, marami akong narinig na tilian at hiyawan sa likuran ko. Kalaunan ay natawa na lamang sa kagagahan ng kaibigan.

Sinabayan ko na rin ang pagkanta nila habang mahinang napapa-headbang at hindi sinasadya na mapunta kay Patrick ang paningin ko.

Narito pa rin sa pwesto ko ang atensyon niya kaya kahit nalilito ay hindi ko na muna pinansin iyon. Bahala siya sa buhay niya kung anong trip niya.

You & I
Are better than Sonny & Cher
Honey & Bears
And You & I
Are better than Aladdin & Jasmine
We've made it happen
Singing

La la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la

Unang araw nang makita ko si Patrick sa A's Agency, hindi siya ganoon kaingay noon o baka sadyang nananahimik lang siya kapag naroon ako. Iba kasi ang sinasabi ni ate Adelle, sobrang ingay daw niya at makulit.

Siya ang pinadikit kay kuya at ganoon din ang sinabi ni Ramille, since college ay mapang-asar na ito, malakas ang topak at parang baliw.

Hanggang sa isang araw ay nagulat pa ako nang ako ang pagdiskitahan niya. Pinuna nito ang ikli ng palda ko, hindi niya ako tinantanan kaya simula no'ng araw na 'yon hindi na ako nagpapalda kapag dumadaan ako ng agency.

Pupunta ako roon na naka-dress na hindi naman ganoon kaikli, siguro ay baba lang ng tuhod ko. Pero kahit pala ganoon, tuloy pa rin siya sa pang-aasar niya. Nawala ang kilala kong tahimik na Patrick.

Hindi ko alam kung anong trip niya at palagi niya na akong inaaar, kaya simula talaga noon ay hindi ko na siya pinapansin. Lumayo ang loob ko sa kaniya at kahit pa na ganoon ay effort pa rin siyang inisin ako hanggang ngayon.

Let me say
You look beautiful on our wedding day

Tinapos nito ang kanta sa pamamagitan ng isang bagsak ng stick sa drums niya. Tapos na pala ang kanta at doon ko lang namalayan na sa kaniya lang ako nakatitig.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin para lingunin si Regina na ngayon ay pababa na, ang lawak ng ngiti nito na umabot na yata sa batok niya.

"Ahh! Naloloka na ako, hindi ko na alam kung sinong pipiliin ko!" Reklamo niya sa akin kaya tinawanan ko ito.

Tinamaan siguro sa charisma ni Jayson. Isa pa naman iyon sa bias wrecker sa sobrang gwapo at bait.

Maganda siguro kung kay Jayson na lang siya, hindi mahirap pakisamahan ang isang 'yon. Hindi tulad nang iniidolo niya, bukod sa kupal ay sobrang kupal talaga.

"I don't know what to say na, ang lakas ng tibok ng puso ko gurl." Aniya habang mabibigat ang kaniyang buntong hininga.

"Ibig sabihin lang niyan ay si Jayson na ang gawin mong bias, huwag na si Patrick." Pahayag ko saka pa siya siniko.

"Sure ka?" Taas ang kilay niyang tanong, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Tumawa ako bago magsalita. "Gusto mo ba ilakad pa kita sa kaniya?"

We Belong Together [Completed]Where stories live. Discover now