Chapter Eight

589 65 19
                                    

[eight]

Noong araw na 'yon ay umuwi rin kami kaagad ni Regina matapos kumain sa isang fast food chain. Tinakasan ko lang talaga iyong sumama sa bahay nila Patrick.

Hindi pa kasi ako nakakapunta roon at hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan sa kanila. Sa bawat araw na nagdaraan, mas lalo akong naiirita sa kaniya.

Mabuti nga at busy ako ngayon sa school dahil sa nalalapit naming midterm exams. Hindi na ako nagkaroon ng oras para bumisita sa A's Agency, mag-iisang linggo na yata?

Sa tuwing uwian kasi ay dumederetso kami ni Regina sa library para mag-review, o 'di kaya'y sa computer laboratory para tumambay at ubusin ang oras sa pagsusunog ng kilay.

Gaya ngayon, halos lamunin na ako ng librong hawak ko dahil sa sobrang lapit no'n sa mukha ko. Kahit naman na ganito lang ako ay ayoko pa ring bumagsak, ayokong ma-disappoint ang magulang ko kahit pa na wala ako sa puder nila.

"Baliw amp."

Napatingin ako kay Regina nang humagikgik ito na siyang katabi ko lamang. Tapos na ang klase at nandito kami ngayon sa library-- nagre-review, pero hindi ko na lang alam dito kay Regina.

Imbes na sa libro ang atensyon ay naroon sa cellphone niya, mukhang may ka-text at grabe kung kiligin. Palihim ko iyong dinungaw at napakagat-labi na lang nang makita kung sino iyon.

Si Jayson. Wala sa sariling nailing ako at mahinang hinila ang buhok niya.

"Kapag ba ikaw bumagsak sa exam, may maitutulong 'yan si Jayson?" Bulong ko rito pero sapat na para marinig niya.

Tumigil ito sa kakadutdot sa phone niya saka ako nilingon, ngumiti pa ito bago tuluyang itinago ang cellphone.

"Eh kasi gurl, sinusulit ko lang naman 'yung free time ni papi Jayson. Alam mo naman 'yon, sobrang busy."

Tumaas ang kilay ko. "Ano na bang status niyo?"

Mabuti talaga at pinatulan siya ni Jayson?

"Hmm, getting to know each other pa lang naman gurl, pero infairness ha? Ang sweet niya." Kinikilig ang gaga at halos tumirik pa ang mata.

Inabot nito ang braso ko saka mahinang niyugyog. Pagak akong natawa. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano e. Kasi siya, nakakausad na sa sariling love life.

Samantalang ako ni walang magustuhan dito, may mga ilan namang nagpaparamdaman sa akin pero hindi ko bet. May mga nagtatangkang manligaw pero kaagad ko rin namang tine-turn down.

Wala lang. Feel ko hindi pa siguro ito 'yung panahon para lumandi ako, tamang inggit lang sa mga kaibigang may jowa at dakilang taga-ayiee na lang muna ako.

"Sabi niya, kapag nagkaroon siya ng free day, labas daw kami."

Mabuti pa 'yang si Jayson, napakabait at sweet. Hindi ko na nasagot si Regina dahil lumipad na ang utak ko sa ibang planeta-- lumulutang na ngayon sa isip ko si Patrick na pinagkaitan yata ng kabutihan.

Tho, gwapo naman siya, matangkad at maputi. Hindi ganoon kalaki ang katawan niya compare kay Ramille pero keribells na rin. May charm naman siya kahit papaano, maamo ang mukha pero overall, masama pa rin ugali niya.

"Hoy gurl." Mariing sigaw ni Regina sa akin bago ako sikuhin dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Kumunot ang noo ko saka pa nagkamot ng ulo. Oo nga pala, bakit ko ba iniisip ang isang 'yon?

"Alas singko na, hindi pa ba tayo uuwi?" Pahayag nito kaya nilingon ko siya.

Napatingin pa ako sa relo ko at totoo ngang pasado alas singko na. "Tara na, gurl."

We Belong Together [Completed]Where stories live. Discover now