Chapter One

1.3K 81 39
                                    

[one]

"Salve!"

Mabilis na nilingon ko ang babaeng siyang tumawag sa akin, mula sa gate ng Helene West University ay dali-dali itong tumakbo palapit sa akin at parang ahas na pumulupot ang kamay niya sa braso ko.

Tumalon-talon pa ito habang kinikilig na ewan. "Ahh! Bukas na ang mall tour ng bandang Ace! Pagkakataon ko na 'to dahil sobrang lapit na lang nila!!"

Kagaya ko ay isa rin siyang Acer— ang mga tawag sa fans club ng Ace. At dahil alam nilang pinsan ko si Ramille ay ako ang ginawa nilang founder ng Acer Club. Kaya hindi dapat kami nawawala sa mall tour, concert at mga activities nila.

Niyugyog ni Regina ang balikat ko, ang babaeng childhood slash schoolmate slash bestfriend slash co-founder ng Acer Club. Kasundo ko 'yan sa lahat maliban na lang sa isa.

"Makikita ko na rin ang bebe Patrick ko, kyah!! Am so excited!!" Tili niya at nauna ng maglakad papasok ng building namin.

Tumatalon-talon pa ito na parang bata habang maang naman na tinitignan ko lang ang likod nito. Bebe Patrick? Wala sa sariling natawa ako at umismid.

Iyan ang kaisa-isang bagay o tao na hindi namin mapagkasunduan. Dumadating sa punto na inaaway niya ako at binansagang hater daw ni Patrick. Jusko!

Tahimik na naglakad ako papasok ng building hanggang sa room namin. Nakita kong naroon na si Regina at dahil sanggang-dikit kami, halos magkapareho na ang ugali namin.

Mula sa malaking bunganga na halos umabot sa pinakadulong room ang boses namin. Madaldal ika nga, hindi nawawalan ng kwento. Walang hiya, makapal ang mukha at palaban.

"Salve, halika rito, dali!" Si Regina nang mapansin ako at sumenyas pa itong lumapit ako.

Dahil no choice naman ako at katabi ko siya sa upuan, naglakad ako palapit sa kanila. Marahan kong ibinaba ang siyang bag ko at naupo na rin.

"Bakit?" Sambit ko at kumalumbaba sa kaniya.

"May bago akong recruit." Aniya saka itinuro si Jeansel na bagong lipat dito sa row ng upuan namin.

Tahimik lang kasi ito at hindi ganoong nagpa-participate. Ang buong kaklase ko nga rito ay kasapi na sa Acer Club at siya na lang talaga ang hindi sumasali.

Sa sinabi ni Regina ay natutuwang hinarap ko ito, kuminang-kinang pa ang mata ko. "So, sinong bias mo?"

Ngumiti muna ito ng pagkalawak-lawak saka ako sinagot. "Si Patrick Niel Acosta!"

"Wow, girl! Apir!! Silent avid fan ka rin 'no? Alam mo pa talaga buong pangalan ng bebe ko!" Sigaw ni Regina at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere.

Ang kaninang ngiti ko ay nawala na parang bula, hindi ko na alam kung saan na napunta pati ang panga ko dahil sa pagkakalaglag kaya napipilan ko silang tinignan, hindi pa rin makapaniwala.

As expected, mabilis na dumako ang tingin sa akin ni Regina. Mapang-asar ako nitong binalingan at akala mo'y nanalo sa lotto. Muli niyang nilingon si Jeansel na tanghaling tapat ay nagde-day dream.

"Ano na, girl? Sasama ka na sa amin bukas, ah? Sa West City Plaza ang mall tour ng Ace. Don't worry, isasali kita mamaya sa groupchat namin para kita-kita na lang, okay?" Dere-deretsong pahayag ni Regina.

May isa akong na-realize sa buhay, hindi talaga pwede kaming magsama nitong si Regina dahil kapag nagsabay ang bunganga namin ay ewan ko na lang, para kaming bombang sumabog. Tipong gulantang talaga mundo mo.

Mahinang tumawa si Jeansel at parang tuod na kinikiliti. "Sige, sige. Ano ba 'yan, na-excite naman ako."

At hindi na nagtapos ang kwentuhan nila hanggang sa matapos ang klase. Hindi naman ako maka-relate kaya hindi ko sila pinapansin, at isa pa, ayoko sa topic nila.

We Belong Together [Completed]Where stories live. Discover now