Chapter Eighteen

502 48 1
                                    

[eighteen]

Sa gabing din iyon ay sinunod ko si Dad, lahat ng gamit ko ay nilikom ko at inisang bagsakan sa isang duffel bag. Ang mga damit ko naman ay nakalagay na sa dalawang malaking maleta.

Ayoko sanang gawin 'to, naisip ko lang na marami akong maiiwan dito pero natanto ko rin, siguro tama lang si Daddy. He knows what the best for me kaya ganoon na lamang ang pagiging strict niya sa akin, since unica hija lang nila ako ni Mom.

Marahan kong pinahid ang natuyong luha sa aking pisngi, hindi ko alam kung ano pa itong iniiyak ko. Dahil pa rin ba sa naudlot naming pagmamahalan ni Patrick o sa katotohanang hindi niya ako kayang ipaglaban?

Kung sabagay, sandali ko lang naman siyang minahal. Kailan ko lang na-realize sa sarili ko na gusto ko siya, kaya hindi malabong makalimutan ko rin siya kaagad-- na sana nga ay mangyari.

“We shine together like the moon and stars, always remember that, my Salve.”

Pagak akong tumawa nang maalala ang sinabi niyang iyon kagabi. Ito ba 'yung sinasabi niyang “we shine together”? Nakakatawa naman, hindi ko alam na ito pala ang sinasabi niya.

"My Salve?" Bulong ko sa sarili at muling tumawa.

Paano niya iyon nasabi gayong wala pa naman kaming label? Sa pagkakaalala ko, hindi pa niya ako nililigawan at tamang panglalandi lang ang ginagawa nito sa akin. Ako naman itong si uto-uto at marupok.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas na suot at marahang tinanggal iyon.

"What does it mean? A moon and stars?" Tanong ko saka iyon tinitigan.

Pakiramdam ko ngayon ay dinaig ko pa ang break-up ng magka-relasyon when in fact ay ako lang yata itong nahulog sa kaniya.

Matapos kong ayusin ang sarili ay tumayo na ako mula sa pagkakasalampak ko sa harapan ng vanity mirror sa loob ng kwarto. Nang sa tingin ko ay okay na ang lahat ay binuhat ko na ang duffel bag at hinila ang dalawang maleta.

Hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan ay kusa na iyong bumukas saka bumungad sa paningin ko si Ramille, malamlam ang mata nitong bumagsak ang tingin sa akin.

Tipid akong ngumiti bago lumapit sa kinaroroonan niya upang makalabas na ng kwarto, ngunit nahinto rin nang hawakan niya ang braso ko.

"Kamusta? Okay ka lang ba?" Paos ang boses nito, animo'y napagod sa sitwasyong mayroon sila ngayon.

Huminga ako nang malalim at binalingan ito, kahit papaano pala ay may concern siya sa akin. Iniisip pa rin nito ang kalagayan ko sa kabila ng lahat.

"I'm fine, Kuya. Hindi mo naman kailangang mag-alala." Pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay nasasaktan din ako.

Ayoko lang kasing dumagdag pa sa problema, samantalang ako na nga ang nagdala sa kanila sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko alam kung anong magiging kahahantungan nito, kung anong magiging epekto sa kanila-- nakakatakot lang na bumagsak ang grupo nila nang dahil lang sa akin.

"Nasaan si Ate? Kamusta siya?" Tanong ko nang hindi ito sumagot.

"She's recovering, malaki ang naging impact sa kaniya actually. Buntis siya kaya marahil ganoon." Aniya at ngumiting pilit, tila ipinapakitang hindi ko na kailangang mag-aalala.

"Kuya, salamat... salamat sa pagpapatuloy dito at saka pasensya na. Sorry kung nangyari pa 'to--"

Natigil ako sa pagsasalita nang hawakan niya ako sa magkabilaang balikat at ipinaharap sa kaniya, bahagya pa siyang yumuko upang magpantay ang tingin naming dalawa.

"Look, Salve, hindi naman ako against sa inyo ni Patrick. It just that, magulo ang mundong ginagalawan niya kaya ayokong humantong na madamay ka pa."

"Nadamay na ako, Kuya."

"Dahil nagkulang ako--"

"No, Kuya! Stop it!" Sigaw ko upang patigilin siya. "Hindi ka nagkulang, and it's all my fault so please, huwag mong sisihin ang sarili mo."

Dahil mas nasasaktan ako sa isiping ang daming nadamay sa kagagahan ko. Ayoko nang ganito, ayokong maramdaman na parang kino-konsensya pa ako.

"Sige na, Kuya, naghihintay na si Dad sa baba." Sambit ko at tipid itong nginitian.

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita dahil nilampasan ko na ito at deretsong naglakad pababa. Dinig ko pa ang ingay na dala ng gulong ng maleta ko hanggang sa tuluyan na akong makababa.

Sa sala ay naroon si Daddy, kasama si Tita Cecille na nakatayo at nang masilayan ako ay mabilis ako nitong nilapitan saka dinamba ng yakap.

"I'm sorry darling, wala akong magawa para sayo. Sana ayos ka lang, hmm?" Bulong nito habang hinahaplos ang buhok ko.

Napatikhim ako at mariing pumikit upang pigilan ang sarili na huwag umiyak. Ayoko na munang umiyak, sayang lang sa luha.

"Tita, okay lang po ako." Sagot ko rito dahilan para pakawalan niya ako. "Salamat po at pinatuloy niyo ako rito."

"Ano ka ba, hija, welcome ka rito anytime."

Tumango lang ako bilang sagot, animo'y pagod na rin sa kakasalita. Gusto ko na lamang sa oras na iyon ay mahiga at magpahinga, matulog magdamag at huwag na munang magising.

"Tara na." Si Dad nang tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

Sa tindig pa lang nito, siya iyong taong ayaw mong makalaban dahil sa angking kakisigan ng kaniyang katawan. Isama pa ang pagiging lawyer nito at makapangyarihan sa batas.

Muli akong bumuntong hininga at sunud-sunod na tumango. Kinuha nito ang dalawang maletang hawak ko at deretsong lumabas sa bahay nila Tita.

"Bilisan mo diyan!" Dinig ko pang sigaw nito kaya madalian akong tumakbo palabas.

Naabutan ko pa ang paglalagay ni Dad ng maleta sa likod ng sasakyan nito. Dahan-dahan ay tinungo ko ang kotse at marahang pumasok sa loob ng passenger's seat.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang iniisip kung anong magiging kalalabasan nitong iskandalong kinasangkutan ko.

Hindi rin nagtagal nang pumasok si Dad sa driver's seat at walang sali-salitang pinausad ang engine. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng gate nang salubungin kami ng isang lalaki.

"Patrick!" Bulalas ko nang ma-realize kong siya iyon.

Kamuntikan pa siyang mabangga ni Dad, mabuti at mabilis din siyang gumilid. Nasa side ko siya at ilang beses na kinakatok ang bintana sa gilid ko, roon ay pinakatitigan ko ang mukha nito.

Gaya ng ilang ka-miyembro niya, naroon din sa mukha niya ang lungkot, kita ko pa mula rito ang namamaga at namumula niyang mata, animo'y kagagaling lang sa matinding pag-iyak.

"Dad--"

"Shut up!" Pagpuputol niya sa akin sa tangkang pagtanggal ko ng seatbelt ko.

Gusto ko siyang lapitan, kahit papaano ay marinig ko man lang ang side niya. Gusto ko siyang yakapin, para kahit papaano ay mapagaan ko naman ang bigat na nararamdaman niya.

Kalaunan nang mapait akong ngumiti. Bakit ba ganito ako pagdating sa kaniya? Bakit masyado akong marupok? Ganito ko siya kamahal?

Mariin akong pumikit nang mabilis na pinausad ni Dad ang kotse palabas ng subdivision. Mahigpit pa ang naging kapit ko sa duffel bag na naroon sa hita ko.

"Tama na muna ito, Salve. Hayaan mong lumipas ang issue, huwag niyo munang dagdagan. Please lang..." Pahayag ni Dad na abala ngayon sa pagda-drive.

Dahil doon ay nilingon ko siya. "Pero magiging okay naman po ang lahat, hindi ba?"

"Depende kung pareho kayong mananahimik muna ni Patrick. Sana lang ay hindi ito makaapekto sa nalalapit nilang concert."

Kagat ang labing nag-iwas ako ng tingin at ibinaling na lamang ang atensyon sa labas.

Sana nga, sana lang talaga ay maging maayos na ang lahat.

We Belong Together [Completed]Where stories live. Discover now