Epilogue

5K 107 33
                                    

[KEAN]

After 3yrs.

“Yo!” tumango ako at binigyan ng hi-5 si Lance na kakarating pa lang.

“Oh, bakit hindi mo kasama si Nica?” tanong ko nang mapansing wala siyang kasama.

“Well, she's busy with our son. You know mother thing.” sagot naman niya sabay kuha ng inumin.

Napa ‘Ahh’ na lang ako at kumuha na rin ng inumin. Ahh, nagtataka siguro kayo kung sino si Aila Nica? (A/N: OMO! I made a big mistake. I'll explain later sa last. Okay?) Siya 'yung ‘Princess’ ni Lance, ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Pinas. At 'yung sinasabi niyang son ay anak nila. Naging close ko na rin si Lance. Infact, we're best of friends.

Maya-maya rin ay tumunog ang doorbell. Lumabas si Lance para buksan ang gate at bumungad sa'kin si Josh kasama si Angel.

“Kean!” tawag ni Josh. Nakipag hi-5 naman ako sa kanya saka niyakap. Ganun din kay Angel. Medyo matagal na rin kaming hindi nagkikita. Busy kasi sila sa newborn baby nila.

Makalipas pa ang ilang minuto, dumating na rin ang iba. Sila Ash,Miko,Hiro at Ella. Isa na lang ang hinihintay namin.

“Buti naman at dumating na kayo!” napatingin kami sa may pinto at sa wakas dumating na rin ang couple na laging magulo.

“Yo! Long time no see!” bati ni Zac at lahat kami ay binigyan ng hi-5. Sumunod naman sa kanya si Apple Rhaine, ang girlfriend niya.

Well, matagal ko nang napatawad si Zac sa ginawa niya. At ayan naging kaibigan ko na rin. Si Nicole? Napatawad ko na rin siya, pero wala na akong balita sa kanya. Last time I heard about her is she's in France busy with her business.

“Oh, kumpleto na tayo. Kean, anong oras darating si Yna?” tanong ni Zac.

Automatic akong napangiti nang marinig ang pangalan niya. Ngayon ang uwi nila, kaya nandito silang lahat sa bahay ay para salubungin si Yna. Para na rin sa homecoming Party kay Yna.

“Mamaya darating na sila. Pero, iiwan ko muna kayo dito. Susunduin ko kasi sila sa airport.” sabi ko sa kanila.

Sabay sabay naman silang nagsabi ng ‘Okay’ at pinagpatuloy ang ginagawa nila.

---

“Masyado kang excited, Kean. Relax.” biglang sambit ni Josh. Tinignan ko lang siya ng masama at sinunod ang sinabi niya.

Nandito na kami sa airport, hinihintay na lang na dumating ang eroplanong sinakyan nila Yna. Hayy. Sino ba naman ang hindi magiging excited? 3yrs. Tatlong taon na hindi kami nagkita. At sa tatlong taon na 'yon minsan lang ako makabisita sa kanila sa Canada. Excited na talaga akong makita siya at mayakap.

“Oh! Nandito na silaaaa~” excited na sigaw ni Josh habang sinisiko ako.

Nabalik ako sa senses ko nang mapansing hinihila na ako ni Josh. Mas mukhang excited pa 'tong kumag na 'to kesa sa'kin.

“Ayan na! Teka lang nasan na ba 'yung placard ko?” napailing na lang ako sa inaasal ni Josh.

I smiled. I can't wait to see her and--

“DADA! DADA!” mas napangiti ako nang marinig ang maliit na boses.

Tumakbo ako papalapit sa kanya saka niyakap siya at binuhat. “How's our baby?” Niyakap niya ako at pinaglaruan ang pisngi ko.

“Dada, I missed you.” sabi niya habang pinaglalaruan pa rin ang pisngi ko.

“I missed you too, baby. Where's Mommy?” tanong ko.

Diary Ni Hubby{Editing}Where stories live. Discover now