Chapter 29

3.7K 88 14
                                    

[!] Basahin niyo po ang author's note sa last. Thanks. [!]

***

[Yna]

“Hello?”

[Liit, may gagawin ka ba ngayon?] napairap ako nang marinig ang salitang liit. Bwisit na Lance 'to.

“Bakit taba?”

[Psh! Stop calling me taba.] reklamo niya. Kita mo 'to nagrereklamo pag tinatawag kong taba, tapos siya pang mauuna na tawagin akong liit. Psh!

“Then stop calling me liit. Pikon!”

[Fine. Fine. So, as I was asking busy ka ba ngayon?]

“Hindi. Bakit?”

[Good! Gala tayo. Boring dito sa bahay.]

So, pumayag ako sa alok ni Lance. Nabobore na rin ako dito sa bahay. Tinawagan ko rin si Ash at Ella para makilala nila si Lance.


“Anong gagawin natin dito sa mall?” tanong ko kay Lance.

“Natural mamimili tayo. Alangan namang mag-swimming tayo.”sagot ni Lance. Naku! Nagpipilosopo na naman!

“Whatev! Anong bibilihin natin? Wag kang sumagot ng papilosopo, sasapakin kita!” banta ko sa kanya.

“Pagkain. We're having a picnic sa backyard namin.” he said and winked at me.

After ng pamimili namin, sinundo namin sina Ash at Ella. Tapos dumiretso na kami sa bahay nina Lance.


“Waaah! Nandito pa rin 'yung swing!” exclaimed ko nang makita ang swing sa backyard nina Lance.

Noong bata pa kami ni Lance madalas kaming tumambay sa swing na 'to. Para akong bumalik sa pagkabata. Super throwback!

“Hoy Liit! Mind introducing your beautiful friends to me?” tawag ni Lance sa'kin. Psh! Tinawag na naman akong liit.

Lumapit ako sa kanila, pero bago ko pinakilala si Lance kayna Ash at Ella, sinamaan ko muna ng tingin si Lance.

“Ash, Ella, si Lance Soriano. Childhood friend ko. You, can call him taba--”

“Anong taba! Umayos ka, Yna!” singit ni taba kaya pinalo ko ang kamay niya.

“Tahimik! Lance, Si Ashly Martinez or Ash, bestfriend ko. Siya naman si Ella, dati kong classmate sa cooking class at friend ko na rin.”

“Hi Lance. Nice to meet you.”

So, ayun nga medyo close na silang tatlo. Yan ang gusto ko kay Lance e, sobrang friendly kaya madali lang sa kanya makipag-close sa iba.

Kwentuhan na naman kami, tawanan at kulitan. Nakikitawag na ring taba sina Ash at Ella kaya asar na asar si Lance. Haha! Buti nga sa kanya.

“Oh no! 6pm na pala?! Yna, I need to go home. Alam mo na, buhay may asawa.” sabi ni Ash.

“Taba, uwi na kami! Hatid mo na kami.” utos ko kay Lance.

“Wow. Makautos tayo ah.”

“Asus! Parang di ka na nasanay.”

So, hinatid kami ni Lance sa kani-kanilang bahay.

“Bye Lance! Yna! Nag-enjoy ako sa picnic haha. Toodles~” pahabol ni Ella nang makababa ng kotse ni Lance.

Ako ang huling ihahatid ni Lance at habang nasa byahe, tahimik lang kami. Ewan ko ba sa lalaking 'to biglang tumahimik.

Diary Ni Hubby{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon