Chapter 22

4.1K 91 19
                                    

[Ashley Rodriguez' POV]

"Nako! Nako! Humanda talaga yang Nicole na yan pag nagkita kami! Pasalamat siya't hindi ko pa siya nakikilala! Sasapakin ko pagmumukha niya!" rant ko kay Yna nasa kabilang linya.

[Hahaha! Brutal ka talaga, Ash. Pero don't worry, tatawagan kita pag inaway niya ako ulit] biro ni Yna. Nako! Dapat talaga tawagin ako ni Yna. Epal talaga ng Nicole na yan!

"Anyway, I'll hung up na. Bye!" I said and ended the call.

Humiga ako sa bed at paglingon ko sa kaliwa, nakita ko ang picture niya sa bed side table. Hindi ko pa pala naitatago.

Kinuha ko ang picture frame at tinitigan ng ilang segundo. Magta-tatlong buwan na rin ang nakalipas simula nang maghiwalay kami.

"Kumusta ka na? Naiisip mo pa kaya ako? O may iba ka na.." pinunasan ko ang nakawalang luha mula sa mata ko. Ano ba naman 'to, iniiyakan pa rin kita, Hiro.

Ibinalik ko sa bed side table ang frame, saka ko naman kinuha ang phone ko.

"Should I call him?" tanong ko sa sarili ko. Paulit-ulit kong tinatype ang number niya. Hanggang ngayon, memorize ko pa rin number niya.

"Tatawagan o hinde?" tinitigan ko lang ang screen ng phone ko.

Tss! Ano ka ba naman Ash, hiwalay na nga kayo diba? Bakit ka pa tatawag? Pati siguro nagpalit na rin yun ng number.

"Ugh!" ginulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang frustration. Pfft! Akala ko moved on na ako sa kanya, hindi pa pala.

Sinwipe ko ang screen ng phone ko para burahin na ang tinype kong number niya, kaso iba ang napindot ko. I clicked the call button.

Agad kong nilapit sa tenga ko ang phone, and its ringing. Gamit pa rin niya ang number niya! Agad ko naman binaba ang phone at ni-loud speak ito. And seconds later, he answered the call.

[Hello? Sino 'to?] napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Its him.

[Hello?] Tinitigan ko lang ang phone ko. Kakausapin ko ba?

Tanga naman nito! Tatawag tawagan mo di mo kakausapin.

Tss! Naisingit pa 'tong konsensya ko.

[Hello? Sino 'to?] halata na sa boses niya ang pagkainis. Bahala na nga.

"H-hello"

[Who are you?] tanong niya. Ouch. Ngayon ko lang napansin, hindi niya ako nakilala. He deleted my number.

"I miss you" agad kong tinakpan ang bibig ko. WTH! Bakit ko yun sinabi!

Diary Ni Hubby{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon