Chapter 8

6.6K 140 31
                                    

[YNA]

Kakahatid ko lang kay Ash, grabe! Inabot kami ng tatlong oras sa bahay nila Miko. Kwentuhan lang ang ginawa namin haha. So, mahigit apat na oras na rin akong wala sa office. Haha!

After ng ilang minutong byahe, nandito na ako sa company. Paakyat na ako sa 4th floor kung saan ang office ko. Pero bago ako tumuloy sa office ko, dadaan muna ako sa office ni Kean.

At habang naglalakad naman ako ay naghu-hum ako. Masaya ako ngayon e.

"Hi! Nasa loob ba si Mr. Kean?" tanong ko sa sec. ni Kean.

"Wala po Ma'am Yna. Lumabas po siya kanina e." sagot naman niya.

Napa 'Ahh' lang ako saka umalis na. Mamaya ko na lang ibibigay kay Kean ang susi ng kotse.

Dumiretso na lang ako sa office ko. Pansin ko lang, mga nakayuko ang ibang employees sakin habang binabati nila ako. Bakit kaya? Nahihiya ba sila or what?

Oh well hinayaan ko na lang at tuluyan na akong pumasok sa office ko, with matching humming pa ha.

"Boo! Nandito ka lang pala! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makita ko siyang lumabas ng CR.

"Hinihintay kita." sagot niya.

Lumapit ako sa kanya at binigay ang susi ng kotse sa kanya.

"Ayan. Katulad ng promise ko, nag dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho at nag seatbelt ako." nakingiting sabi ko sa kanya.

He pinched my cheeks. "Very good. Ang tagal mo naman nakabalik." sabi niya.

"Napahaba kasi kwentuhan namin. Ayii! Namiss mo ba ako agad? Hihi." panunukso ko sa kanya.

"Ikaw talaga. Nagkita ba kayo ni Miko?" tanong niya.

"Yep! Grabe nga pagkamiss namin ni Ash sa kanya. Haha. Pati, di na daw siya babalik ng Japan. Kaya magkakasama na kami ulit na magkakaibigan!" Masayang sabi ko sa kanya.

"That's great." sagot niya.

"Boo? Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Kasi parang may gumugulo sa isip niya. Iba kasi ang mga ngiti niya. Para kasing napipilitan lang siyang ngumiti.

"Boo. May sasabihin ako sayo.." seryosong sabi niya sakin. "Pero wag kang mabibigla ah." dagdag niya.

Magsasalita na sana si Kean kaso biglang bumukas ang pinto ng office ko at pumasok ang secretary ko.

"Sorry for interrupting Sir Kean and Maam Yna.. Uhmm, pinapatawag lang po si Maam Yna sa taas." sabi niya.

"Okay. I'll be there." sagot ko tapos lumabas na rin siya.

"Boo, mamaya mo na sabihin ah. Punta muna ako sa taas." sabi ko kay Kean.

Palabas na rin ako ng office ko nang tawagin ako ni Kean.

"Yna wait!" lumingon ako kay Kean na palapit sakin.

"I'm sorry, wala akong nagawa." he said and hugged me.

Huh? Ano bang sinasabi ni Kean?

"Boo? Hindi ko gets, bat' ka nagsosorry?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Nothing. Wala lang yon, sige na akyat ka na sa taas." he said.

Ayun nga, umakyat na ako sa taas. Sa office ng BOD. Pag sinabi kasing pinapatawag ka sa taas, means sa Office ng BOD's.

Pero bakit kaya nila ako pinapatawag?

"Good afternoon." bati ko sa mga BOD's nang makapasok ako.

Diary Ni Hubby{Editing}Where stories live. Discover now