Chapter 17

4.7K 88 30
                                    

[KEAN]

"Sir, excuse me po may emergency call po kayo." biglang pasok ng secretary ko sa office.

Lumabas ako ng office para sagutin ang tawag.

"Hello?"

[Si Sir Kean na po ba ito?] natatarantang tanong sa kabilang linya.

"Kean Taylor speaking."

[SiR Kean! Kelangan niyo pong pumunta dito! Bilisan niyo po!]

"Wait! Ash ikaw ba yan? Bakit? Nasaan ka ba?" natatarantang tanong ko sa kanya.

[Nasa hospital po kami. Si Yna kasi.]

"What? What happened?! Hello? Ash?"

[toot toot toot]

"Sht!"




Agad akong pumasok sa opisina ko para kunin ang mga gamit ko.

Ano ba kasing nangyari kay Yna?

"Kean? San ka pupunta?" tanong ni Nicole

"I have to go Nicole. Nasa hospital si Yna. Bukas na lang natin tapusin ang reports."

"Wait! Sasama ako."

"Ah! Sht! Bakit ngayon pa nagkatraffic!" reklamo ko.

Kung kelan nagmamadali saka pa magkaka traffic.

"Kean, relax okay?" Nicole trying to calm me down.

"Nicole, I can't. Nasa hospital si Yna and I don't have the idea what happened to her."

"Hay. BK Ko naman, malay mo nagpa check-up lang siya. So kindly calm down."

"Sana nga ganun lang ang nangyari."

---

[YNA]

"Ash, alam ba ni Kean?"

"Hindi niya alam ang nangyari, pero sinabi ko sa kanyang pumunta siya dito." sagot ni Ash.

"Ano bang nangyari Yna?" tanong ni Ella.

Nang marinig ko ang tanong ni Ella, nagsimulang tumulo na naman ang mga luha ko.

"Nadulas ako at nahulog mula sa ladder. Kasalanan ko kung may masamang mangyari sa baby namin ni Kean. Hindi na lang sana ako umakyat sa ladder." I cried.

"No. Your baby's okay." Ella trying to comfort me.

---

Makalipas ang isang oras, dumating na si Kean. Kasama si Nicole.

"What happened?" bungad na tanong ni Kean.

"Boo.. kasi.. nahu--"

"Excuse me, nandito na ba ang asawa ng pasyente?" pagiinterrup ng doctor.

"Yes doc. Why?" Kean asked.

Lumabas naman ng kwarto sina Ash pati na rin si Nicole.

"Doc, okay lang ang baby namin diba?" tanong ko.

"Why? Ano bang nangyari?" tanong ulit ni Kean.

"I.. I'm sorry to say but your baby is gone." the doctor said.

With that, hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.


"Are you kidding me?" inis na tanong ni Kean sa doctor.

Umiling lang ang doctor at lumabas na ng kwarto.

"Its all my fault Kean... I.. I'm sorry" I said between my sobs.

Tinignan niya lang ako at lumabas ng kwarto.




Pagkalabas ni Kean mas lalo akong naiyak. Iniwan niya ako, galit siguro siya sa akin. Sino ba naman ang hindi magagalit.

Di rin nagtagal bumukas ulit ang pinto at bumungad si Kean na namumula ang mata.

"Fck! Ano ba kasing nangyari Yna?!" sigaw niya.

And with that, tuluyan na siyang naiyak.

"Kean I'm sorry... hindi ko naman sinasadya na madulas at mahulog sa ladder." I cried.

"Ang tigas kasi ng ulo mo! Diba sabi ko alagaan mo yang sarili mo? Now what?! Our baby's gone!"

"Boo I'm really sorry." iyak ko saka niyakap siya.

Kumawala siya sa mga yakap ko at agad na lumabas ng kwarto.

He's really mad at me.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa tuluyan akong makatulog.

--

[NICOLE]

Lumabas si Kean sa kwarto ni Yna na namumula ang mata.

Why is my BK crying?

Lumapit sa akin si Kean at hinigit ako papunta sa kung saan man. Hindi na ako nagtanong kung san kami pupunta. The important is we're alone. /evil smile/

Pinara ni Kean ang kotse sa parking lot ng isang bar.

Pumasok kami at agad siyang umorder ng drinks.

Wait! Umiinom lang si Kean pag may problema siyang malaki.

"BK ko what happened? Tell me."

Bigla niya akong niyakap. Naramdaman ko na lang na may mga luhang tumutulo sa balikat ko.

I comforted him by patting his back.

Nang mahimasmasan siya, nagsimula na siyang magkwento.

"Ang tigas kasi ng ulo ni Yna. Simple lang naman ang bilin ko sa kanya... Alagaan niya ang sarili niya at ang anak namin."

Ang tanga tanga mo kasi Yna.

"Pero anong ginawa niya? Dahil sa kachildishan niya nawala ang baby namin. Alam mo yung feeling na masayang masaya ka kasi magkakababy na kayo.. tapos mawawala lang dahil sa katangahan?" pagpaptuloy ni Kean.

Niyakap ko siya to comfort him. Ayoko ng ganito nasasaktan si Kean at umiiyak.

Bakit kasi si Yna pa ang pinakasalan niya? Ako na lang sana Kean. Hindi mangyayari ang ganito pag ako ang pinakasalan mo.

"Come on Kean, let's go home." pagpipigil ko sa kanya.

Kanina pa siya umiinom, tho hindi pa naman siya lasing pero may tama na.


"Ayokong umuwi sa bahay. Ayokong makita si Yna. Galit ako sa kanya!"

"But nasa hospital si Yna. You should go home and rest."

"Pero makikita ko pa rin siya doon."

"Then sa bahay ka na lang matulog." I suggested.

Tumango lang siya at lumabas na ng bar.

I secretly smiled to myself.

This is the chance. Wala na ang baby nila, galit si Kean kay Yna. Pwede ko nang agawin si Kean. /evil laugh/  Thank you sa katangahan mo, Yna. I owe you a lot.

---

A/N:

Nooo! Wala na ang baby nila Sir Kean at Yna :(  At mukhang may masamang plano si Nicole.

Feedbacks.

-dyopeterpan

Diary Ni Hubby{Editing}Where stories live. Discover now