Chapter 1

11.4K 218 25
                                    

[YNA]



“Ynaaaa!!” lumingon ako sa babaeng tumawag sa'kin.



“Waaaah! Ash!” sigaw ko rin. Lumapit ako kay Ash na kasama si Hiro at sinalubong siya ng yakap.



“Waaaah! Yna! Namiss kita ng bongga! Kumusta honeymoon niyo ni Sir Kean?” agad agad na tanong ni Ash.



“Hay nako! Ash! Let’s talk about that later. Tara na? Gusto ko na makita sila kuya Josh.” sabi ko at naglakad na palayo.



“Wait! Nasaan si Sir Kean? Hindi ba natin siya hihintayin?” tanong ni Ash.




“Kayo na lang ang maghintay sa kanya. Mauna na ako sa car.” Sagot ko at iniwan silang dalawa.



Well, nandito kami ngayon sa airport. Kakarating lang namin ni Kean from France. At sila Ash ang sumundo sa'min.

Makalipas ang ilang minuto dumating na rin sila. Doon ako naupo sa likod, tapos si Kean sa tabi ni Hiro. Si Ash naman tumabi sa'kin.




“Uy! I smell LQ. Nag-away ba kayo ni Sir Kean?” tanong ni Ash. Sabi na nga ba eh! Kaya tumabi ‘to sakin para magtanong. Ash talaga.



“Psh! ang galing mo makaamoy ng LQ.” Sagot ko naman.




“So, nag-away nga kayo? Bakit? Hindi ba kayo nag-enjoy sa honeymoon niyo?” tanong ni Ash.



“Psh! nakaka inis siya eh. Habang namamasyal kami, siya naman always may kausap sa phone.” Sagot ko.



“Eh? Sino naman ang kausap niya sa phone?” tanong ni Ash.



“Hindi ko alam. About work. Kainis siya! Dapat nga nag-eenjoy kami pero siya sinisingit pa rin ang work! Psh!” naiinis kong kwento kay Ash.




“I’m sure hindi niya alam ang reason ng pagtatampo mo no?” Ash asked.


“Psh!” tanging nasagot ko.




“Hay nako! Yna! Matampuhin ka pa rin. Pansinin mo na siya, baka lumala pa yan.”




“Hmmp! Bahala siya, it’s his fault naman kaya bakit ako ang unang papansin sa kanya?!” I said.




Napailing na lang si Ash. After ng ilang oras, narating na rin namin ang bahay nila Dad. Dito muna kami titira ni Kean since di pa kami nakakabili ni Kean ng bahay.




Unang pumasok ng bahay sina Hiro at Ash. Tapos lumabas na ako ng car at papasok na sana sa loob ng bahay, bt pinigilan ako ni Kean.




“Boo, kahapon mo pa ako hindi pinapansin. Bakit? May nagawa ba akong kasalanan?” tanong ni Kean.



Psh! Inirapan ko lang siya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. At pumasok na sa loob.




“Baby!” salubong ni Kuya Josh sakin.



“I missed you kuya.”



“Kumusta ang honeymoon niyo ni Kean? And where’s your husband?” tanong ni Kuya.



“Nasa labas siya. Sila Dad?”



“Nasa taas. Bababa na rin yon.” Sagot ni Kuya.
* *
After that kumain kami ng lunch. Tapos nag-usap usap ng kung anu-ano, pero hindi ko pa rin pinapansin si Kean.


Diary Ni Hubby{Editing}Where stories live. Discover now