Chapter 31

3.5K 75 17
                                    

[!Read!]

Sino ang willing at Active na gumawa at maging Operator ng FB account ng ibang cast ng DNH? Para may kasama sina Sir Kean at Yna. The more the merrier, right? PM niyo ako ha. Hihintayin ko mga PM niyo. That's all.

--

[Lance]

Pauwi na kami ngayon sa bahay. Oo, sa bahay ko ayaw kasing umuwi ni Yna sa bahay nila. Kasama rin namin si Zac, siya ang nagda-drive. Kami naman ni Yna sa passenger seat. At kanina pa tahimik ang katabi ko, actually ang awkward ng atmosphere.

“Ang sakit manuntok ng asawa mo, liit. Dumugo pa ang labi ko.” pambabasag ko ng katahimikan. And to brighten the mood.

Tiningnan ko si Yna, wala siyang reaksyon. Tahimik lang siyang nakasandal sa bintana.

Hindi ko alam kung anong klaseng pangchi-cheat ang ginawa ni Kean at galit si Yna sa kanya. Pero sa tingin ko this is a serious case. Curious din ako sa pictures na tinapon ni Yna kay Kean kanina. 'Yun ba ang dahilan?

“Lance, sa bahay mo muna ako matutulog ha.” sabi ni Zac.

Sinagot ko lang ng ‘K’ si Zac at muling tumingin sa gawi ni Yna. Nakapikit siyang nakasandal sa bintana, kaya hinayaan ko na lang muna.

Nang makarating kami sa bahay, tinuro ko kay Yna kung san ang magiging kwarto niya, pagkatapos iniwan ko muna siya. I know, gusto niyang mapag-isa.

“Bro, hindi ko alam. May asawa na pala na si Yna.” biglang sabi ni Zac nang umupo ako sa tabi niya.

“Hindi rin ako makapaniwala nang malaman ko yan.” sagot ko naman kay Zac.

To be honest, medyo disappointed ako nang malaman kong may asawa na si Yna.

“Sayang naman. Mukhang babaero pa naman 'yung asawa niya.” komento ni Zac kaya napatingin ako sa kanya.

“Hoy! Zac Estrella, wag mong sabihin na may gusto ka pa rin kay Yna?” at dahil sa tanong kong yan, nakatanggap ako ng isang suntok sa balikat. Pero hindi naman malakas.

“Gago! Dati lang 'yun! Pero, kawawa naman si Yna mukhang laging nasasaktan dahil sa asawa niyang 'yun.”

Hindi na lang ako sumagot. Sa tingin ko naman, hindi ganung klaseng lalaki si Kean.

Malalim na ang gabi, kaya pumasok na si Zac sa kwarto niya. Inaantok na daw. Papasok na rin sana ako sa kwarto nang mapansin kong may tao sa backyard particularly sa swing.

Lumabas ako at nakita si Yna na naka-upo sa swing at tulala. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kabilang swing.

“Liit, gabing gabi na. Pasok na tayo sa loob?”

“Lance, that's the first time I slap Kean. Galit ako sa kanya kasi manloloko siya, he deserves that slap right? Pero, bakit sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina nasasaktan ako?”

Habang nagsasalita si Yna, unti-unti ring tumutulo ang mga luha niya. She's crying.. again.

“Yna--”

“Diba dapat mababawasan ang sakit kasi nasampal ko siya? Pero bakit mas lalong lumala ang sakit?”

She was crying so hard, and all I can do is to hug and pat her back. Damn! Hindi ko alam kung paano siya ico-comfort. I don't want to see her like this.

“Ilabas mo lang muna ang sakit, Yna. You can cry on my shoulder.”

---

[Kean]

Matapos ng nangyari kanina, dumiretso ako sa condo ni Nicole. I need to know where the hell those pictures came from.

“BK ko? Anong---”

Diary Ni Hubby{Editing}Where stories live. Discover now