Chapter 39

4K 97 29
                                    

[ZAC]

2 weeks, dalawang linggo na pala ang nakalipas simula noong umalis si Zac. At kanina ko lang nalaman. Baliw ang lalaking 'yon, kanina lang din niya sinabi sa akin. Tumawag kasi siya para sabihing nasa Korea na siya. Hindi man lang nag-paalam ang gague. Nanggaling na rin ako sa bahay niya para kunin 'yung mga ibang gamit niya.

Pagdating ko sa bahay, pinatong ko lang ang box na kinuha ko sa bahay ni Zac at dumiretso sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako dahil sa nakita.

Inayos ko ang magulong kama ko at pagkatapos tumabi sa kanya.


“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin sandali at nagkibit balikat lang, pagkatapos binalik ang atensyon sa nilalaro niya.

*sighs*

“Ayaw mo na ba sa akin at pinapalayas mo na ako, taba?” tanong niya. Tch. Tinawag niya na naman akong taba.


Ginulo ko ang buhok niya saka pinisil ang ilong. “Hindi po kita pinapalayas liit okay? Pero, di ka pa ba uuwi sa inyo? Baka hinahanap ka na ng asawa at kuya mo.” sabi ko kay Yna.

Tumigil na siya sa paglalaro ng xbox at saka tumayo.

“Tinawagan ko na si Kuya, sinabi kong nandito ako sa bahay mo.” sabi niya pagkatapos lumabas ng kwarto.


Tumayo din ako at sinundan siya. Hayy. Tatlong linggo na sigurong nagsta-stay si Yna dito. At tatlong linggo ko na rin siyang pinapakiusapan na bigyan niya ng chance si Kean. Pero wala e, ayaw niya talaga.


“Oh saan ka pupunta? Don't tell me iniisip mo talagang pinapalayas na kita.” sabi ko sa kanya nang maabutan siyang nag-iimpake ng gamit.

“Susunduin ako ni Kuya. Aalis na kasi sila Dad sa makalawa, at sasama ako sa kanila kaya kelangan ko nang umuwi sa bahay.” sabi niya.


“So, makikipagbati ka na kay Kean?” masayang tanong ko. Sana naman diba? Kawawa naman kasi si Kean.


“Final na ang desisyon ko, Lance. Ayoko na. Pagod na ako sa relasyon namin.” sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Makikipaghiwalay talaga siya kay Kean?


Maya-maya, narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Josh. Nagpa-alam na din si Yna sa akin. Pero bago siya umalis kinunbinse ko muna siya na kausapin si Kean, sana magbago pa ang isip niya.
---
[YNA]

“Saan kita ihahatid?” tanong ni Kuya.

“Sa bahay nila Mom, kuya.” sagot ko naman.


“Hindi ka man lang magpapakita kay Kean?” tanong ulit ni Kuya.


Hindi ko na sinagot si Kuya. Ilang linggo ko nang hindi nakikita o nakakausap si Kean. At hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, galit pa rin ako sa kanya pero gusto ko siyang makita. Nalilito na ako.


Di rin nagtagal dumating kami sa bahay nila Mom. Sinabi ko sa kanilang sasama ako pabalik sa Canada. Pero, hindi ko pa rin sinasabi sa kanila na buntis ako.


“Sweetie, you sure you're okay?” tanong ni Dad.


Ngumiti ako ng pilit at tumango kay Dad. Pero tinignan niya lang ako ng may pagdududa.

“I know you sweetie. Hindi ka sasama sa amin ng walang dahilan. What's the matter?” right. Dad knows me well.

Bumuntong hininga ako at sinabi lahat kay Dad. Lahat lahat.

Diary Ni Hubby{Editing}Where stories live. Discover now