Epilogue

9.1K 265 25
                                    

"Honey where are you?"

Nagmamadaling tinago ko ang tatlong puting bagay na hawak ko nang marinig ko ang boses ni Tyrone. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at huminga ng malalim. Lumabas ako sa banyo at naabotan ang asawa kong pilit tinatanggal ang necktie ng suit niya pero hindi dahil nahihirapan siya sa pagtanggal dito. Humihingi ng tulong na tiningnan niya ako. I laugh as I made my way towards him and removed his necktie. When it's finally removed, he wrapped his arms around my waist and leaned to kiss me.

"Where are the kids?" he asked after our mouths separated.

"The twins are just downstairs and CJ is in his room, hindi mo, ba sila nakita?" I told him with a smile. He shook his and shrugged. Binigyan ko siya ulit ng mabilis na halik bago lumayo sa kanya at tinungo ang pintuan. "Magbihis ka na. I'll be downstairs with them."

Lumabas ako sa kwarto namin at bumaba sa sala ng mansion kung saan naroon ang kambal.
Naabotan ko silang mayroong tinitingnan na cellphone. Hindi ito ang cellphone na binigay ng kanilang ama sa kanila. Nang nakalapit na ako sa kanila ay namukhaan ko ito. They are whispering to each other while peeking at the phone secretly.

"Dami ng pictures ni ate rito. Kung ipakita ko kaya 'to kay ate Hannah?" humahagikhik na sabi ni Tiarah sa kakambal.

"Ayah, kuya will be mad at us dahil pinakialaman natin ang cellphone niya." pagmamaktol ni Crown kay Tiarah pero inignora lang siya nito.

Patuloy sila sa pag-uusap at hindi man lang ako napansin na nakatayo sa likuran nito. I cleared my throat to get their attention. They turn and stared at me with wide eyes.

"Mommy!" magkasabay nilang bulalas.

"What are you doing? Bakit na sa inyo ang cellphone ng kuya niyo? Ibalik niyo 'yan sa kanya." sermon ko sa kanila. Naglakad ako patungo sa malawak na kusina dito sa loob ng mansion at kung saan naroon cook na abala sa pagluluto. "Tutulong po ako." gulat na napaikot siya habang may hawak na sandok sa isang kamay na parang ginawa niya itong armas sa kung sino mang aataki.

"Palaka kang unggoy ka!" mahina akong napatawa sa naging reaksyon niya. "Grabe naman kayo ma'am. Akala ko pa naman kung sino na." aniya habang ang kamay ay nasa ibabaw ng kanyang dibdib.

Napatigil ako sa pagtawa. "Sorry po manang," I looked at her apologetically. "Tutulong lang sana ako sa pagluluto."

"Ayos lang ma'am. Akala ko kasi si Annabel 'yung nagsalita. Nakakatakot," iminuwestra niya sa akin ang mga gulay na kailangan pang  hiwain. "Hiwain niyo na lang po iyan, ma'am. Request po kasi ni young master na magpapaluto raw siya ng kare-kare."

"Sinong young master ba ang tinutukoy mo?" nagtataka kong tanong.

"Si young master CJ po." tumango na lang ako at sinimulan nang hiwain ang mga gulay na iluluto.

Ewan ko ba sa kanila. Tinanong ko nga noon kung bakit kailangan gan'yan ang tawag nila sa mga anak ko pero nakasanayan na raw nila iyon. Mabuti na lang at sinunod nila ang hiling kong 'wag akong tawaging 'lady'. Kinikilabotan ako sa tuwing tinatawag nila akong ganoon.

Pinagpatuloy lang namin ang pagluluto. We are quietly cooking side by side when CJ barged in the kitchen with a huge frown on his face.

"Mom have you seen the twins?" may halong inis ang boses na tanong niya sa akin.

"Na sa sala lang sila kanina. Wala ba doon? They've got your phone."

Mas lalong nagusot ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Wala sila doon. Maybe they are hiding somewhere-"

"There's no need to do that. I've found the culprit and they are guilty of their crime."

Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Tyrone's standing with the twins with him. Hawak niya sa magkabilang braso ang dalawang bata na hindi man lang makatingin ng diretso sa kuya nila. Inupo sila ni Tyrone sa upuan at tinabihan sila.

Her ComebackWhere stories live. Discover now