Chapter 6

7.7K 228 7
                                    

JILL'S P.O.V

Lumipas ang mga araw at ngayon ay pasukan na. Naging abala ako sa pagtuturo at pag-asikaso sa kambal. Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil ako ang guro nila. It's like hitting two birds with one stone. Nagt-trabaho ako pero at the same time ay nababantayan ko rin ang dalawa kong anak.

Though noong una ay nag-alala ako dahil this will be their first time going to school pero kalaunan ay nawala ang pag-alala ko dahil nakita kong maayos naman silang nakikipaghalubilo sa kanilang kakaklase. Kahit si Crown ay tahimik, nakikisabay naman siya sa kanyang mga kaklase.

Madali lang rin para sa dalawa ang mga ipinapagawa ko dahil tinuruan ko na sila noon. They're also fast learners kaya nangunguna silang pareho sa klase.

"Teacher! Teacher! Tingnan mo po ang gawa ko!"  nagtatakbong lumapit sa akin si Wannie, isa sa mga estudyante ko.

Nagsusumiksik siya sa akin at inilapag sa aking table ang bondpaper na may drawing. Napangiti ako nang makita ang kanyang iginuhit.

"You did a good job! Now, continue what you're doing. Koloran mo pa ang mga damit nila para pagkatapos ay maipapakita mo yan sa mama at papa mo. Okay?" he gave a toothy grin and run back to his table while holding the paper on his left hand.

I told them to make a picture of their family as an activity for this day, and I am glad all of them are enjoying what they are doing.

Napagawi ang tingin ko kay Tiarah na nagd-drawing kasabay ang kanyang mga babaeng kaklase. Mukhang sersyosong seryoso talaga siya sa kanyang ginagawa at sa papel lamang nakatuon ang kanyang atensyon.

Hinanap ng aking mga mata ang kanyang kapatid nang hindi ko siya namataan.
Kumunot ang aking noo nang makita ko siyang mag-isang nakaupo sa malayong mesa na malapit sa book shelf. Nakatitig lang siya sa papel at parang pinag-iisipan pa kung ano ang ilalagay dito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kan'yang tabi. Nakita ko na wala pang kahit na anong guhit at malinis na malinis pa maliban sa pangalan niyang nakasulat sa ibabaw.

"Bakit wala ka pang nasimulan, anak?" malambing kong tanong sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin maliit na ngumiti pagkakita sa akin. Ibinaba niya ang lapis na kanina pa niya hawak.

"I don't know what to draw. Should I draw Lolo, tita and tito with us?" nakakunot noo niyang tanong.

"Of course anak. They're family."

"O-okay po." puno ng pag-aalinlangang sagot niya.

I ruffled his hair and watched him draw.
Alam ko naman kung ano ang iniisip niya kanina. But I don't want to voice it out. Dahil maging ako ay hindi ko rin alam. Hindi ko kilala ang ama nila. I don't remember some events from my past.

"Teacher I'm done!" nagtatakbong lumapit sa akin si Wannie at iniwagayway sa harap ko ang bondpaper na may drawing.

"Really? Let me see nga."

Ibinigay niya sa akin ang papel na kanyang hawak.

"Am I doing it right teacher?" he looked at me, expecting to be praised.

"Of course, you did great. Now, are you ready to give it to your parents?"

"Yes po!"

"Teacher, tapos na rin po kami!" malalaki ang ngiting nagsitakbuhan sa pwesto ko ang iba ko pang estudyante habang iniwagayway ang kani-kanilang mga papel.

Isa isa kong tiningnan ang mga 'yon at nilagyan ng check at full mark score. Nang matapos ay tinapunan ko naman ng tingin si Tiarah na nilalagay ang kanyang papel sa loob ng kanyang bag.

Her ComebackWhere stories live. Discover now