Chapter 10

7.8K 211 16
                                    

JILL'S P.O.V

I enjoyed talking with Belle about random things. Her company keep me entertained. She told me about her bestfriend who suddenly vanish four years ago. Base from her stories, I can say that we have a lot of similarities with her bestfriend.

It was confusing, but while she was talking I feel nostalgic and felt the urge to hug her. It felt as if matagal ko na siyang kilala. How I wish to regain my memories back so that I won't get confused anymore.

"At alam mo bang masungit rin iyon minsan. Ewan ko ba doon kung bakit biglang nawala," tapos pagak siyang tumawa. "You really look a lot like her. It's just that you look more beautiful than her tsaka nerd iyon. Magkatulad rin kayo ng pangalan but your surnames are different."

"Sana makilala ko rin siya. She seems nice."

Napatitig ito sa kawalan at biglang inisang lagok ang laman ng kopitang hawak. Bumaling siya sa akin na mayroong kakaibang ekpresyon sa mukha.

"You know, I'm just fooling myself. The truth is she was reported missing and after a few months of investigation, she was announced dead. Sabi ng mga police nasama siya sa isang malakas ng pagsabog at malabong nakaligtas siya sa malakas na pagsabog na 'yon. But I don't want to believe it. I want to convince myself that it's not true. She's the only person who stayed with me nung walang wala ako."

Pareho kaming natahimik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa ganitong mga sitwasyon. Hindi ako magaling magcomfort ng ibang tao. Maging ako ay nalilito na dahil sa mga kwento niya. Unconciously, I am also hoping na ako nalang yung babae sa kanyang kwento.

"I-I don't know what to say."

"Huwag mo nang masyadong isipin. Mabuti pa't pumasok na tayo sa loob. Gusto kong tikman ang mga pagkain nila. Once in a life lang 'to." tapos tumawa siya.

Sabay kaming pumasok sa loob habang nakahawak siya sa aking braso. Dumulog siya sa mesa nila ni Tyrone at kumuha ng pagkain. Umupo ako sa kanyang tabi at iginala ang paningin.

Huminto ang aking mga mata sa dalawang taong naglalambingan sa sarili nilang mesa. Mayroong binubulong ang babae sa kasama niyang lalaki sa tenga nito. Nakangiti ng malaki si Ms. Sofia na para bang talagang nakakaaliw ang kanyang kuwento. Si Mr. Frost naman ay tumatango lang at wala akong makitang emosyon sa mga mata.

Nagtama ang aming mata kaya napaiwas ako ng tingin. Heto na naman ang biglang pagkarerang ng aking puso dahil sa hindi malamang dahilan.

Sumulpot bigla si Ash  at umupo sa tabi ni Belle. Tinanguan niya ako pagkatapos ay tiningnan ang si Belle na abala sa pagkain at hindi man lang napansin ang presensiya ni Ash. Nakatitig lang ito dito na walang binibigkas na kahit anong salita.

Dumaan ang mga oras at tuluyan na akong nabagot sa aking kinauupuan. Ash and Belle are too occupied with their own world kaya hindi ko na sila inabala pa. I check my watch and saw that it was already eleven twenty. Napagdesisyonan kong umuwi na baka hanapin pa ako ng mga bata.

"Mauuna na ako sa inyo. Malapit nang magtwelve." sabay tayo.

"Aalis ka na?" gulat na tanong ni Belle.

"Oo. May naghihintay pa kasi sa akin sa bahay."

Tumayo siya at nakipagbeso sa akin.
"Ingat ka."

Bumaling ako kay Ash at tinanguan siya.
Tumango rin siya at muling bumaling kay Belle.
Naglakad ako patungo sa labas ng hotel at siguradong naghihintay na roon ang sundo ko. On my way there, I notice that people are enjoying themselves and some are already drunk.

Umiwas ako sa mga lasing dahil ayokong mapahamak lalo at nagiging agrisibo ang tao kapag sila'y lasing. Paglabas ko ay nakita ko ang sasakyan na naghatid sa akin kanina. Lumabas si kuyang driver at pinagbuksan ako ng pinto. I smiled at him and said thank you.

Her ComebackDär berättelser lever. Upptäck nu