Chapter 7

7.5K 231 10
                                    

JILL'S P.O.V

"You mean kailangan mong umattend sa charity ball na 'yun? Di ba yan yung ball na sinabi ng babaeng maganda ang mukha pero pangit ang ugali?" gulat na tanong ni Leah habang papasok kami sa restaurant upang kumain.

Ang tinutukoy niya ay 'yong babae noong nakaraang linggo na nabangga ko sa kanyang boutique. Tumango ako at nagkibit-balikat.

"She has a name Leah." saway ko sa kan'ya.

"I don't care. Totoo naman talaga na maganda siya pero masama naman ang ugali. Ininsulto ka pa nga nung mangkukulam na 'yon. Basta! Naiinis ako pag-naalala ko ang pag-insulto niya sa'yo." sabay irap.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. May lumapit sa aming hostess at iginiya kami sa aming magiging table. Akmang uupo na ako nang kinalabit ako ni Leah at may itinuro.

Sinundan ko ang direksyon ng kanyang intinuro at nakita si Ash na kumakain at may kasama itong lalaki. Seryoso ang mga itong nag-uusap at sa palagay ko tungkol sa business ang pinag-uusapan nila.

"Doon nalang tayo. Guluhin natin siya." pagkasabi niyon ay hinila niya ako palapit sa table nila Ash.

"Hello, dear cousin. Can we sit here?" gusto kong masapo ang aking noo dahil sa ginawa ni Leah.

"Do you mind sir? If we're not interrupting you. By the way, Im Leah. Ash' cousin." baling niya sa lalaking kausap ni Ash na napatanga lang sa kanya.

"O-oh. Of course you're not iterrupting us. Patapos na rin kami. Please sit and join us." aya niya sa amin at tumingin ng malagkit kay Leah.

"Great! Dito ka Jill." tinapik nito ang upuan sa tabi niya at wala akong nagawa kun'di ang umupo.

"Im Martin Quevedo, your cousin's business partner. Nice meeting you beautiful lady." nginitian siya ng matamis ni Leah at nakipagkamay.

Inilahad rin niya ang kanyang kamay sa akin at naiiliang ko itong tinanggap.

"Call me Jill." sabay kiming ngumiti.

"Allright. Nice meeting you, Hell."

"It's Jill, not Hell." pagtatama ko sa kanya.

Napakamot ito sa kanyang ulo at tumango bago bumaling muli kay Leah.

"Nice hair." emotionless ang mukha na puri ni Ash sa buhok ni Leah.

"Are you being sarcastic dear cousin?"

Hindi siya sinagot ni Ash at tinuon na lamang ang pansin sa pagkain. Binalingan ko naman ang hostess na kanina pa nakasunod sa amin. Pero nakatanga ito kay Ash na tahimik na kumakain. I flicked my finger in front of her to get her attention. Nahihiyang tumingin siya sa akin.

"What's on the menu?" tanong ko at kaagad naman niyang ibinigay sa akin ang menu na hawak-hawak niya kanina pa.

Nag-order ako ng pagkain at pinapili rin si Leah na ngayon ay nakikipag-usap sa lalaking business partner ni Ash. Nang maka-order ay nanatili lang akong tahimik at pinapakinggan ang dalawang nag-uusap.

Nang nangangalahati na kami sa aming kinakain ay biglang tumayo ang business partner ni Ash habang nakatingin sa relo nito.

"Oh shit! I'm almost late for my next meeting. Just update me about the project Mr. Espeza and I really need to go." then he grab his briefcase and left hurriedly without looking back.

Naiwan kaming tatlo na hindi nakapagsalita. It must be a very important meeting.

"My fault. Naaliw yata siya sa pakikipag-usap sa akin. Oh... Well, I am done with my food. Punta muna ako sa rest room." tumayo siya at naglakad sa papunta sa restroom.

Her ComebackWhere stories live. Discover now