Together #18

363 21 2
                                    

Edison's POV.

Matapos yung ilang segundong pag halik ko sa kanya,hindi ko na alam kong paano mag salita.Literal na wala akong masabi sa kanya at ganun din sya,akala ko nga sasampalin nya ako pero hindi naman.

After a few minutes.

"So-sorry." Siguro ay isang dipa ang layo namin ngayon sa isa't isa.Ako ay nasa dulo ng kama sya naman ay nasa kabilang dulo.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong nya ng hindi tumitingin sa akin.

"Sorry talaga,tutulo na kasi yung tsokolate sa bibig mo... I know it's a stupid idea,hindi ko rin alam bakit yun ang ginawa ko."

"Chocolate ko yun eh,bakit mo kinuha?"

"Ha?"

Pag tingin nya sa akin ay naka ngiti na sya.

"Hindi ka galit kasi hinalikan kita?"

"Hindi! Bakit naman ako magagalit?ano ako pa kipot"

Naka hinga na ako ng maluwag,para kasing may naka patong na hallow blocks sa dibdib ko kanina nung hindi sya nag salita after ng kiss namin.

"Pero! hanggang kiss lang ang pwede,hindi na pwede yung iba."

"Oo naman,I respect you more,lalo na ngayon.Pero Angel it's too complicated now."

"Bakit ? Dahil kay Angelica?"

"Una na yun,kasi kapag na laman nya to,I'm sure ipapahiya ka na naman nya,ayaw kong gawin nya yun sayo."

"So...Ibig sabihin,secret muna kung anong meron tayo?" Tanong nya.

"Oo sana,pero promise aayusin ko agad to,gusto ko kasi tanggapin na nya yung pakikipag hiwalay ko sa kanya."

"Sige Ed.ok lang sakin yung ,secret lovers tayo hehe...tsaka parang ayaw ko parin ipa alam kila mama,baka ma bigla eh."

"Oo nga."

Inaro ko yung palad ko sa kanya.

"E yung hold hands? Pwede ba?" Sabi ko.

"Sus,holding hands lang pala,pwede syempre."

Agad nyang ipinatong ang kamay nya sa naka lantad kong palad,parang itong may sariling isip dahil nang maglapat ito ay kusang nag intertwine ang mga iyon,at pinanuod namin ang malaking buwan sa labas ng bintana.

Mag iisang oras din akong nag stay sa kanila.At masasabi kong napadalas ang pag hampas nya sa akin pati pambabatok.Hinayaan ko na lang,baka sa sobrang kilig din yun.

Umuwi ako sa bahay ng naka ngiti,pero nawala yun ng makita kong sa sofa parin na tutulog si Daddy.

Simula ng malaman ni Mommy ang tungkol sa babae ni Daddy,hindi na nya pina tatabi si Daddy sa kanya.

Minsan tuloy na iisip kong bakit hindi katulad ng pamilya ni Angel ang pamilya ko,kahit hindi nya totoong Ama si Tito Roi itinuturing parin sya nitong tunay na anak.

Napapa iling nalang ako ng pumasok ako sa kwarto.

Sana matapos na ang pagsubok sa pamilya namin.

Nang maka pasok ako sa kwarto ko ay agad akong umupo sa may kama at dinampot ang remote control na nasa maliit na lamesa at ini-on ko ang TV.

Biglang tumunog ang phone ko,may nag message...

Angel:
Good night sweet dreams...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TogetherWhere stories live. Discover now