Together #9

165 18 2
                                    

"Mine!" Sigaw ni Angelica,na nagpatunganga sa akin,nasa harapan ko na kasi yung bola ng bigla nyang akong binunggo atsaka nya tinira ng malakas yung bola pabalik sa kabila.

Maswerte at hindi nasalo ng kabilang ang bola dahil sa lakas ng impak nito.

"Coach time-out!" Sigaw nya pang muli.

"Ano bang nang yayari sayo Angel Dale?! Kanina ka pa wala sa sarili mo,kanina kung hindi ko kinuha yung bola siguradong sa kabila ang puntos nun!"

"So-sorry," wala akong ibang masabi kundi sorry,dahil totoo namang wala ako sa sarili ko.

"Ayusin mo na sa susunod." 

Gusto ko syang sabunutan,pero kailangan kong magpigil dahil nasa palibot kami ng maraming estudyante ,hindi Lang kasi kami ang nang dun,may ibang section at year din.

"Go Tol kaya mo yan! " napalingon ako kay Edison at nakita kong chine-cheer nya ako.May Kung anong saya ang naramdaman ko nun,akala ko kasi si Angelica nalang ang makikita nya.

"Woo!Go Angel Dale!"

"Oh wow girl,Ang Ganda mo ah."

Narinig kong sinabi ng nasa likuran ko,paano kasi biglang nag sisigaw si Dennis sa loob ng gymnasium,may pag palakpak pa. Lahat tuloy kami ay napa tingin sa direksyon nya.

Sa pangalawang laro ay naka bawi bawi na ako,Hindi man ako ganun kagaling maglaro ay masasabi kong marunong naman akong mag patawid ng bola sa kabilang net.

Masakit at pulang-pula na ang mga kamay ko ng matapos ang laro namin.Isang oras din kasi yun,ang intense nang laro. Competitive ang kabilang team,kahit sabihin na laro Lang yun at walang prize ay naging masigasig silang lahat lalo na si Angelica.

Sa lahat ata ako Lang ang hindi masyadong magaling sa volleyball.Pero ok lang na nalo naman kami,kahit panay sablay ako minsan.

"Wow naman ang galing mo palang mag laro!" Sinalubong ako ni Dennis ng lumabas na kami sa volleyball court.

"Sira! anong magaling dun,lagi ngang outside ang mga tira ko."

"Minsan Lang kaya,akala mo Hindi ko bilang yung mga points mo ."

"Thanks sa pag Che-cheer..May tubig kaba dyan ? Nauuhaw na ako eh."

"Meron—"

"Tol oh,tubig !" Sabay abot sa akin ni Edison ng bottled water na nasa kalahati nalang ang laman.

"Sure ka? Baka sa girlfriend mo yan?" Nakita kong napa awang ang labi nya.

"Hi-hindi ..sa akin yan,Sige na kunin mo na."

"Ok thanks."

Bumalik na ulit sya sa kinauupuan nila ni Angelica,magkatabi na kasi sila ng matapos kaming maglaro.

"So...confirm na ba?" Bulong sa akin ni Dennis.

"Confirm." Seryoso kong sagot ,bago ko tinungga ang tubig na bigay sa akin ni Ed.Infairness matamis yung lasa ng tubig nya.

TogetherWhere stories live. Discover now