Together #17

225 21 2
                                    

"Hi Tita..." narinig ko ang boses ni Edison,kahit nasa kwarto ako ay dinig ko ang boses nya sa baba kaya agad kong dinikit ang tenga ko sa may pintuan..lakas talaga ng pandinig ko pagdating sa kanya.

"Nasa taas,kumain kana ba" sabi ni mama.

"Opo salamat, pupuntahan ko lang po sya sa taas."

"Sige."

Pagka dinig ko nun,agad akong umalis sa may pintuan at umupo sa may study table ko na nasa ngilid lang ng pintuan naka pwesto at kunwari'y nag babasa.

Pinapakiramdaman ko pa kung malapit na sya..ayan na binubuksan na nya ang pinto!

(Serious Face)

"Ahm...hi." Sabi nya sa mahinang tono ng boses nya.

Hindi ko sya agad pinansin pag pasok nya tuloy ako sa pag babasa kunwari.

"I have something for you," inaro nya sa akin ang isang maliit na plastic bag. Kita ko agad kung ano ang laman nito sa loob,dahil manipis lang yung plastic.

"Chocolates!" (Ang rupok mo talaga Angel!) sabi ko sa isip ko. Agad kong kinuha sa kanya yun at binukasan ang isang piraso,dahan dahan kung kinagat at ninanamnam ang lasa nito sa loob ng bibig ko.Yung tamis ng purong tsokolate ang sarap talaga...Heaven!

Naka pikit lang ako habang ine-enjoy ang pag nguya ko sa malambot,matamis at malamig na chocolate.

"Galit kapa ba?" Napadilat agad ako ng mag salita sya.

"Hmm! Konte,ikaw kaya ang iwanan... may usapan tayo tapos na una kana pala umuwi."

"Sorry,magkasama na kasi kayo ni Dennis,so I thought na ihahatid ka nya." Umupo sya sa kantuhan ng kama. Itinuon nya ang kamay nya doon at nag pa di kwatro ng upo at seryosong naka tingin sa akin.

Inusod ko ng bahagya ang upuan ko malapit sa harapan nya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya(mga isang dangkal ang layo.)

"So nakita mo kami? Anong exactly ang nakita mo?"

"Na-nakita ko... mag ka—yakap kayo,tapos ang sweet nyo,yun ang nakita ko." Inayos nya ang Salamin nya ng inilayo ko na ang mukha ko sa kanya.

"Sus yun lang?! Nakita mo na pala ako bakit hindi ka manlang lumapit,ipinag tanong pa kita doon kung nasaan ka!"

"Sorry na...kayo na ba?"

"Ha-ha-ha!" (evil smile)

"Bakit? Nag tatanong lang naman ako ah."

"Nag seselos kaba ?"

"Ha? Ahmmm..."

(Kru...kru..kru...)

"Aha! Nag seselos ka nga,wag kang mag alala bestfriend,hindi naman kita ipag papalit kahit kanino.Kahit magka boyfriend ako,never!"

"So kayo na nga?"

"Halika.. tingnan mo ako sa mga mata ko,sabihin mo sa akin kung inlove ako."

Tumingin naman sya sa mga mata ko,kumukunot-kunot pa ang noo nya.

"Hindi ko alam eh"

"Tumingin ka... sinong nakikita mo?"

"Wala...reflection ko nakikita ko—"

"See! Now you know."

Sabay talikod ko sa kanya at humarap na ako sa study table ko.

"Can you clear it out to me?" Sambit pa nya.

"Hindi mo ba talaga na gets?"

"Gets ko,pero gusto ko direct to the point...Gusto ko yung malinaw."

"Ok!" Tumayo ako sa harapan nya "wala akong boyfriend,hindi kami ni Dennis. Inamin nya lang sa akin na inutusan lang sya ni Angelica para ilayo ako sayo, pero dahil nakunsensya sya,dahil alam naman daw nya kung sino ang mahal ko, kaya hindi na nya itinuloy.Yung ligaw thing ay kasama sa plan,so it means na magkaibigan nalang kami ngayon...at kahit naman manligaw sya alam naman nya na hindi ko rin sya sasagutin,dahil loyal ako sa taong gusto ko I mean ... mahal ko pala."

"Ginawa ni Angelica yun?"

"Yap!"

"Pero sino ba yung mahal mo talaga?"

"Sino ba nakita mo sa mga mata ko?"

"Ako—" Natigilan sya sandali,at tumingin sya ulit sa mga mata ko."Totoo ba talaga? Ako ba yung mahal mo?"

"Oo! manhid,ikaw nga at lilinawin ko lang,hindi kita mahal as a bestfriend lang,Gets mo na ba?"

Tumango sya ng ilang beses at ngumiti.

"Mahal din kita." Bulong nya sa tenga ko at literal ang paglaki ng mga mata ko.

"W-what?!" Hindi ko na magawang lunukon yung pang apat na chocolate bar na isinubo ko.

"Ang sabi ko mahal din kita." Pag ulit nya pa, lumapit pa sya ng mas malapit pa.

"Ang puso ko ed." Bulong ko,napa hawak naman ako sa dibdib ko kung saan dama ko ang mabilis na pag dagungdong nito.

"Ang hirap nito para sa akin,pero bahala na." Sambit nya pa habang hinahawi ang mga hibla ng buhok ko na pinapaspas ng hangin,nasa tapat kasi kami ng bintana.

Nakita ko ang liwanag ng buwan,Full moon pala ngayon,di kaya sinaniban sya ng kung ano? kaya na sabi nyang mahal nya din ako?

Mama! Help me. Mahihimatay ako!

Edison's POV.

"Angel yung chocolate sa bibig mo,tutulo na."

"Ha?" 

Naka tulala parin sya sa akin,hindi nya yata naririnig ang sinasabi ko.

"Angel..." bahala na nga.

"Hum—"

Dinig ko ang pag singhap nya ng ilapit ko ang labi ko sa labi nya. Ginawa ko yun para isara ang bibig nya na naka awang at dahil sa chocolate na malapit ng tumulo.

Marahil mukhang nag take advantage ako sa ginawa ko sa kanya dahil sa mahal nya ako. E mahal ko din naman sya.
Ok lang naman siguro,sya naman ang first kiss ko eh.

TogetherWhere stories live. Discover now